Kahit sa trahedya, Japan tuloy ang tulong sa Mindanao
BAGO pa man nangyari ang killer earthquake at tsunami sa Japan noong Marso 11, na naging sanhi ng karagdagang problema gaya ng radiation, isa ang Japan sa pinakamalaking foreign donors ng development projects sa Mindanao. Ang Japan din ang largest market ng ating bananas na pangunahing export product ng ating bansa. Ang Japan ay pangunahing trading partner din ng ating bansa.
At ang Japan ay isa rin sa mga bumubuo ng Malaysia-led International Monitoring Team (IMT) na nagbabantay sa ceasefire na umiiral sa pagitan ng ating Armed Forces of the Philippines at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Hindi kaila ang bigat ng dagok na pumalo sa ekonomiya ng Japan dala ng nangyaring lindol at tsunami. Kahanga-hanga nga ang Japan dahil sa gitna ng pighati at pagsisikap nitong makaahon sa pagkalugmok, patuloy na namimigay nang iba’t ibang aid sa mga bansa gaya ng Pilipinas. Kahanga-hanga dahil imbes na sila ang tulungan, sila pa ngayon ang patuloy na tumutulong sa mga nangangailangang bansa.Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Makoto Katsura, ipagpapatuloy ng Japan ang commitment nito sa Japan-Bangsamoro Initiatives for Reconstruction and Development (J-Bird) na kung saan ay nilagdaan nito ang pag-release ng fifth batch of assistance in terms of Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects.Ang bagong package na binigay ng Japan para sa Mindanao ay nagkahalaga ng $838,606 na kung saan ito ay para sa konstruksyon ng limang school buildings, dalawang training centers, isang floating school at isang post-harvest facility. Ang J-Bird ay sinimulan noong 2006 pa at may $3.8 million or P217 million na halaga ng mga proyektong nagawa ng Japan para sa conflict-affected areas ng Mindanao. Kaya para na ring sampal sa ating mga opisyales ang kabutihang ginawa ng Japan para sa ating mga kababayan. Bakit hindi natin tularan ang Japan? Lalo na ang government officials na naging kilala na sa pagiging gahaman na mas inuuna ang sarili nilang bulsa bago ang kapakanan ng bansa.
- Latest
- Trending