^

PSN Opinyon

Nepomuceno vs Alma

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HALATANG hindi uurong si Marikina City Councilor Elmer Nepomuceno sa labanan nila ng actress na si Alma Moreno sa pagka-presidente ng Councilor’s League of the Philippines (CLP). Imbes, pinaigting pa ni Nepomuceno ang kanyang kampanya at araw-araw gumaganda ang tsansa niya na talunin ang aktres sa botohan sa darating na March 10 sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City. Aabot kasi sa 16,000 na mga konsehal sa bansa ang magtipun-tipon sa MOA para bomoto kung sino kina Nepomuceno na Independent at Moreno ng Lakas-NUCD ang mamumuno sa kanila. Ang lamang lang ni Nepomuceno, walang sa-gabal sa pangangampanya niya samantalang si Alma ay mawawalan ng oras dahil sa pag-attend ng court hearing sa P10 milyon estafa case na isinampa sa kanya ng ne-gosyanteng si Antonio Antonio. May hearing ang kaso sa araw na ito.

Para patunayan na tuloy ang laban niya, naglabas pa si Nepomuceno ng ilang plataporma na itataguyod niya kapag nanalo siya. Sisikapin ni Nepomuceno na magtayo ng mga satellite offices ang CLP sa mga probinsiya para mapabilis ang pagkontak sa mga miyembro nito sa iba’t ibang sangay ng gobyerno o kapwa nila konsehal sa Maynila. Isusulong din ni Nepomuceno ang pag-amyenda ng batas kung saan ang budget ng isang konsehal ay may kanya-kanya na imbes na idaan pa ito sa mga mayor. Kasi nga kapag, kalaban ng konsehal ang mayor, aba wala siyang pondo tiyak na walang mahihita. Me punto si Nepomuceno dito ah. ‘Ika nga, dapat parehas ang mga benefits at pri-belihiyo ng mga miyembro tungo sa magandang samahan nila hindi lang sa pakikisalamuha sa kapwa kundi maging sa pagtatrabaho. Kelangan ang lahat ng konsehal ay tra-tuhing me dignidad at respeto, ani Nepomuceno.

Isusulong din ni Nepomuceno ang informed participa-tion of councilors, consultative decision-making, service-oriented and career-focused policies, councilor’s access to information, published audit reports and well accounted finances, public disclosures of assets and interests and clear, open, accountable process of governance understandable by every member.

At narito ang mga prio­rity plans at projects ni Ne­pomuceno. Creation of equal opportunities policy monitoring committee. Promulgate rules for accountability of membership dues and league’s fund, free legal assistance to all members-councilors at scholarship to deserving councilor’s children. Ang dami. Wheeew!

Sino pa ang magsasabing aatras si Nepomuceno kay Alma Moreno eh ang dami niyang gustong gawin kapag siya ay nanalo? Kaya tuloy ang laban! Alam n’yo na mga suki kong konsehal kung sino ang inyong iboboto.

Abangan!

AABOT

ABANGAN

ALMA MORENO

ANTONIO ANTONIO

ISUSULONG

LEAGUE OF THE PHILIPPINES

MALL OF ASIA

NEPOMUCENO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with