^

PSN Opinyon

Asin at Ilaw

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ay “Pro-life Sunday”, ang ating pagpapaha- laga sa buhay. Huwag nating sirain ang pinagpalang-buhay lalung-lalo sa mga isisilang. Ang aborsyon ay napakalaking kasalanan. Naalaala ko tuloy ang isang matandang babae na 80-anyos na. Humihingi siya ng tulong upang patawarin ng Diyos. Sabi niya: “Padre, ako po ay nagpalaglag ng sanggol sa aking sinapupunan. Dalawang beses na po”. Sagot ko naman: “Lola, napakatanda na po ninyo ay nakapagpa-abort pa kayo?” Umiiyak siyang sumagot: “Padre, ginawa ko ito noong bata pa ako. At hanggang ngayon matan-        da na ako ay hindi ako patahimikin ng aking budhi at isipan”.

Ngayon naman sa ika-5 linggo sa karaniwang panahon ay paalaala sa atin ni Isaias na tulungan at huwag talikdan ang ating kapwa upang matulad tayo sa bukang-liwayway. Pakainin sila at patuluyin sa tahanan. “Sa dilim ay may liwanag na tayo na nahahabag”.

Sinabi Ni Hesus na tayo ay asin ng lupa at ilaw ng daigdig. Ang dalawang ito ay pinaka-mahalaga sa buhay ng sanlibutan. Napakaganda at makapangyarihan noong ipinagdamot ni Mahatma Gandhi ang asin sa mga Ingles. Sila ang sumiil sa katarungan, kalayaan at kabuhayan ng kanilang bansang India. Nasakop ang kanilang bansa sa napaka-habang panahon katulad ng pagkasakop sa atin ng mga Kastila.

Ang alat ng asin ay nagbibigay sa atin ng buhay. Kapag nawala ang alat sa ating buhay ay tatapak-ta­pakan na lamang tayo ng ating kapwa. Ibig sabihin ma­ wawalan na tayo ng katuturan at pag-asa. Naalaala ko tuloy ang maaalat at maliliit na puting bato sa baybaying dagat ng Sta. Cruz, Marinduque na ang tawag nila ay “tap-ong”. Ito marahil ang sinasabi ni Hesus na kapag mawala na ang alat, ito’y wala nang kabuluhan at tatapak-tapakan na lamang. Ganun din ang ating ilaw. Huwag nating itatago ang mga nagagawa nating kabutihan upang magliwanag ito sa ating kapwa. Sa mga ginagawa nating mabuti ay huwag tayong maghanap at maghintay ng papuri sa daigdig na ito. Ipunin natin ito at ating papurihan ang Amang nasa langit!

Isaias 58:7-10; Salmo 111; 1Cor 2:1-5 at Mt 5:13-16

ATING

CRUZ

DALAWANG

HUWAG

ISAIAS

MAHATMA GANDHI

NAALAALA

SINABI NI HESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with