^

PSN Opinyon

Sunod-sunod na panalo

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MUKHANG sunod-sunod ang panalo ng mga Arroyo sa hukuman. Nauna na ang desisyon ng Korte Suprema na hindi raw konstitusyunal ang binuong “Truth Commission” ni President Noynoy Aquino. Ang commission na ito ang maghahabol sana ng lahat ng mga anomalyang naganap, hindi lang sa ilalim ng administrasyong Arroyo kundi lahat ng anomalyang naganap sa ilalim na sinumang presidente. Napakarami kasi ng anomalyang naganap sa administrasyong Arroyo, kaya sa kanya pa lang ay puno na ang trabaho sana ng komisyon.

Nandiyan din ang Ombudsman, na nakabantay pa rin para sa kapakanan ng mga Arroyo. Pati siya, hindi rin matanggal-tanggal! Kilalang kaklase at kaibigan ng dating Unang Ginoo, si Gutierrez ay tila linta na hindi matanggal-tanggal! At ngayon, nagpasya ang Korte Suprema na hindi sila dapat ang magdesisyon sa kaso ng diskuwalipikasyon kay Mikey Arroyo, na siyang kumakatawan daw para sa kapakanan ng mga security guard sa pamamagitan ng isang party-list. Pinuna kasi ng mga nagpetisyon na wala siyang karapatan at kaalaman para kumatawan para sa mga guwardiya sa Kongreso.

Kailan nga ba naman naging security guard si Mikey Arroyo? Alam ko marami siyang security, yun lang. Gusto lang daw malagay muli sa Kongreso dahil binigay niya ang kanyang posisyon sa kanyang ina na ngayo’y kongresista ng Pampanga. Sa madaling salita, ayaw mawala ang kapangyarihan sa kamay nila. Sa kahit anong pamamaraan, dapat nasa kapangyarihan pa rin sila.

Kaya mismong si DOJ Sec. Leila de Lima ang nagsabi na sumusulit na ang mga pinuhunanan ng mga Arroyo sa Korte Suprema, partikular ang pagtalaga kay Renato Corona bilang chief justice, kahit may kontrobersiya sa kanyang paglagay sa tungkulin. Ibibigay ko sa mga Arroyo na magaling sila maglagay ng mga depensa nila, sakaling habulin nga sila para sa kanilang mga kasalanan sa bayan. Pero hindi puwedeng pagpatalo sa mga depensa na iyan. Ang paglabag sa batas ay paglabag sa batas. Darating ang araw na kahit ang korte ni Arroyo ay hindi na maaaring maging bulag sa mga katotohanan na iyan. Darating ang araw na makukuha ng mamamayan ang hustisya.

ARROYO

KONGRESO

KORTE SUPREMA

MIKEY ARROYO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

RENATO CORONA

TRUTH COMMISSION

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with