^

PSN Opinyon

Medalya para kina Danny at Tony

- Roy Señeres -

HINDI amnesty ang nararapat na igawad kay Senador Antonio Trillanes, General Danilo Lim at ang mga kasamahan nila. Sa halip mga medals of valor, promotions at release from detention ang dapat iginawad sa kanila from day one of the Aquino presidency.

 Ang ibig sabihin ng amnesty ay official pardon. Para sa akin walang nagawang kasalanan si Trillanes, Lim, at ang mga kasamahan nila. Hindi kasalanan ang magpatalsik ng isang illegitimate and overly corrupt na pamahalaan katulad noong kay Gloria Macapagal Arroyo.

Samakatuwid, dahil wala namang pagkakasala ang mga sundalong nabanggit ano ngayon ang basehan ng amnesty o official pardon? Ang tanong ngayon ng mga mahilig makipag-debate ay: Bakit, may court ruling ba na illegitimate ang panguluhan ni Gloria para umakto sina Trillanes at Lim na patalsikin ito?

 Wala nga pero maliwanag pa sa sikat ng araw na ang rehimeng Gloria ay ninakaw sa tulong ni Garci at ng mga tutang heneral. Ang kaaya-ayang Susan Roces ay hindi sinungaling. Ano ang sinabi niya kay Gloria? Ito: “You stole the presidency not once but twice.”

 Sana nagtagumpay sina Trillanes at Lim sa pagpatalsik kay Gloria. Eh di sana hindi na nangyari ang fertilizer scam, NBN-ZTE tongpats, Macapagal highway kickbacks, Maguindanao massacre, murders of activists and journalists, etc. etc.

 Ang tanong ko naman: Bago ba makipagbakbakan ang mga pulis sa mga carnappers at mga bank robbers, kailangan ba muna nilang kumuha ng court ru-ling na carnappers o bank robbers nga ang nasa harap ng mga ilong nila? Ang rehimeng Gloria ay isang malawak na crime syndicate na mas masahol pa sa carnappers at bank robbers. Tama at heroic ang ginawa ni Lim et al. Wala nang maraming debate. They should be released and rewarded as heroes at once!

ANO

AQUINO

GENERAL DANILO LIM

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SENADOR ANTONIO TRILLANES

SUSAN ROCES

TRILLANES

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with