^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Nakaamba ang La Niña

-

KULANG na tatlong buwan pa bago matapos ang 2010. At sa loob ng panahong ito ay marami pang pagbabago sa kalagayan ng panahon. Pero ang tiyak ang natitirang mga buwan ay sasaklutin ng mga matitinding pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha na kahalintulad nang manalasa si “Ondoy” noong Setyembre 26, 2009. Marami ang nasorpresa ni “Ondoy” sapagkat walang nakapaghanda. Rumagasa ang tubig at inabot maski ang third floor ng mga bahay. Sa isang subdibisyon sa Marikina, mara-ming residente ang na-rescue sa kanilang bubong.

Nagbabala na ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring makaranas nang malalakas na pag-ulan mula Oktubre hanggang sa matapos ang taon. Ito ay dahil sa La Niña phenomenon. Ang La Niña ay ang di-pangkaraniwang pagbabago ng temperatura ng dagat particular sa Pacific Ocean. Magkakaroon ng paglamig sa surface ng dagat at ang kakambal nito ay ang malalakas na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA ngayong Oktubre ay maaaring makaranas nang grabeng pag-ulan ang Cordillera Region at ang mga probinsiya sa Region 2 at Region 3. Sa Nobyembre, makararanas nang mga pag-ulan sa mga lalawigang sakop ng Region 4-B at ang Region 5. Sa Disyembre, apektado umano ng pag-ulan ang buong Luzon at ang mga probinsiyang sakop ng Region 9.

Ang huling tatlong buwan ng taon, kahit na walang pananalasa ng La Niña ay talaga namang buwan ng mga bagyo at sama ng panahon. Sa mga panahong ito nagkakaroon ng mga malalakas na bagyo. Mabuti na rin naman at nagbigay ng babala ang PAGASA para makapaghanda ang mamamayan.

Bigyan ng warning ang mga may-ari ng sasak­yang dagat at baka maulit ang mga paglubog. Alisin sa mga pampang ng ilog, creek at sapa ang mga squatters upang hindi na maulit ang nangyari noong Ondoy. Ihanda ang mga kagamitan sa pag-rescue sakali at bumuhos ang ulan at bumaha.

Sana naman ay hindi magkamali ang PAGASA sa pagtaya ng panahon. Siniguro ni President Aquino sa kanyang report kaugnay sa unang 100 araw niya na may bago nang equipment ang PAG­ASA kaya makaaasa nang maagang bulletin.

ANG LA NI

CORDILLERA REGION

LA NI

OKTUBRE

ONDOY

PACIFIC OCEAN

PAG

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with