^

PSN Opinyon

Close kay P. Noy target ng kalaban

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BANAT dito, banat doon ang mga tsimis na naririnig, nababasa at napapanood pero sa kalaunan ay walang kahihinatnan ang mga ito.

Bakit?

Walang ebidensiya!

Sabi nga, ang maituro malas.

Target ngayon ang mga close kay P. Noy kaya naman panay tira at walang puknat na tira at mga bintang ang pinupukol sa mga  kasanggang dikit ng ating pangulo.

Ang hindi alam ng mga kamote ay matagal ng kilala ni P. Noy ang kanyang trusted friend kaya basang - basa ng pangulo kung anong scenaryo ang gustong gawin ng mga sumisipsip sa kanya  para siraan itong si DILG Usec Rico Puno.

Mukhang kulang sa impormasyon ang mga critics ni  Rico ang akala yata ng mga kamoteng sumisira sa kanya ay dumikit siya kay P. Noy porke wala siyang pera at gusto lamang kumita sa administration ngayon.

May sariling pera si Rico at hindi ito gagawa ng kalokohan para magka-pera sa administrasyon ni P. Noy tulad ng mga akusasyon sa kanya.

Kalkalin ninyo kung bakit?

Legal na kumita si Rico kaya ito nagka-pera hindi sa pagnanakaw niya ito nakuha.

Talagang target si Rico ng mga gustong dumikit kay P. Noy dahil si Puno ang katiwaldas este mali katiwala pala ng pangulo at isa sa matinding legal adviser.

Sabi nga, mas amoy nila ang isa’t-isa!

Hindi biro ang mga ibinulgar tungkol sa mga isyung magpapabagsak sa mga close ni P. Noy kaya lang ang problema asan ang ebidensiya para paniwalaan ng todo ng presidente ang istorya at ang mga bintang sa kanyang trusted friend.

May mga bugok na pulitiko na malapit sa malakanin este mali Malacañang pala ang gumagawa ng paraan para gibain sa anumang paraan hindi lang si DILG Usec Rico Puno kundi malapit na rin daw sirain si Atty. Jojo Ochoa, ang Executive Secretary ni P. Noy.

Bakit kaya?

Hindi kasi uubra ang mga kalokohan nila sa dalawang trusted ni P.Noy.

Sabi nga, blangkado agad!

‘Ano ngayon ang dapat gawin para hindi sila matibag ?’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Gawin lang nila ng maayos ang kanilang trabaho’ sagot ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

Hindi kasi magiba ang dalawang trusted people ni P. Noy kaya nag-aabang sila ng isyu para sirain ang kredibilidad ng mga ito hindi lang sa madlang people kundi pati siempre kay P. Noy.

May mga tropa kasi na identify sa dating administrasyon ang gumagawa ng paraan para hawakan sa leeg si P. Noy .

Ang nangyayari nga lamang ay may mga close friend si P. Noy na naamoy agad ang kanilang style at hindi nakakalusot sa panlasa ng pangulo.

Ika nga, bistado sila!

Alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na  namumuro na ang ilang mga bagong tawid kay P. Noy kaya naman nagkakaisa ang mga ito na sirain ang mga ayudante ng presidente para maalis ito sa kanyang paningin at silang mga ogag ang pumalit.

Walang katiwa-tiwala si P. Noy sa mga pasabog ng ilan dyan habang nasa US of A ito.

Bakit daw?

Alaws evidence!

Paano mo ipapako sa krus ang anak ni Lord na walang kasalanan na puro bintang lang ang ginagawa ng kanyang mga kalaban?

vuukle comment

BAKIT

EXECUTIVE SECRETARY

NOY

PARA

RICO

SABI

USEC RICO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with