^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basurang plastic

-

NANG dumaong ang USS George Washington sa Manila Bay noong nakaraang buwan at magbababaan ang kanilang mga opisyal at tauhan, hindi pala pagpapasarap at pagliliwaliw ang sadyanila rito, tumulong sila sa paglilinis ng mga basura. Hindi lang basta basura ang kanilang nilinis —makapal na basura na nakatakip sa daanan ng mga tubig. Pawang plastic ang kanilang dinakot sa mga estero. Hindi marahil makapaniwala ang mga navy personnel na ganito karami ang basura sa mga daanan ng tubig. At siguro’y naitanong ng mga ito sa sarili kung bakit hinahayaan ng gobyerno na dumihan ng mga tao ang ilog at estero. At siguro’y naitanong din kung bakit pinahihintulutan na gumamit ng mga plastic bags gayung ang mga ito ang numero unong nagpapabara ng mga daanan ng tubig. Sa halos lahat ng estado sa US, ban ang paggamit ng plastic bags. Supot na papel ang pinaglalagyan ng groceries.

Nang bumaha noong nakaraang taon dahil sa pananalasa ni Ondoy, ang mga basurang plastic ang itnurong dahilan kung nagkaroon nang malaking baha. Sa dami ng mga basurang plastic na nakaharang, hindi kinaya ng ilog kaya umapaw. Giniba ang mga pader ng mga bahay at marami ang humantong sa kanilang bubungan. Mayroon umanong isang bahay sa Marikina na pawang supot na plastic ang nakuha sa loob. Iba’t ibang kulay ng plastic bags ang nakita. Nagkatotoo na ang anumang itapon ay babalik din at mas marami pa.

Noong isang araw ang grupo ng sikat na aktor at environmentalist na si Roy Alvarez ay nagpanukala na dapat nang huwag gumamit ng plastic bags ang mamamayan. Bukod sa grupo ni Alvarez, may iba pang grupo na nananawagang supot na papel sa halip na plastic ang paglagyan ng mga paninda. Sa Nagcarlan, Laguna, ang Mercury Drug Branch doon ay supot na papel o brown paper ang ginagamit sa halip na plastic bag.

Nararapat nang ipagbawal ang paggamit ng    mga supot o bag na plastic. Napatunayan na ang mga plastic ang dahilan kaya may mga pagbaha. Hindi natutunaw ang mga plastic at kahit na ibaon sa lupa ay buo pa rin. Patay na ang tao pero ang plastic ay buhay pa rin. Panahon na para lubusang mawala sa mundo ang mga plastic.

ALVAREZ

BUKOD

DRUG BRANCH

GEORGE WASHINGTON

GINIBA

MANILA BAY

PLASTIC

ROY ALVAREZ

SA NAGCARLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with