^

PSN Opinyon

Ang nanay kong tatay

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NASINAGAN nang hindi magandang ilaw ang BPO in­dustry o “call centers” kamakailan dahil sa napapara- ming insidente ng nagkakasakit. Ngayon ay may bago na namang statistika ang industriya na ikagugulat ng marami: Dito pinakamataas ang bilang ng solo parents.

Ganito na ang realidad ngayon. Marami mag-asawang naghihiwalay, ng kusa o dahil sa trabaho. Marami nga ang hindi na umaabot sa pag-aasawa. Marami rin ang nakakabuo ng anak nang hindi pinaplano. Kasama na rito ang mga pobreng biktima ng pamumuwersa. Ayon sa isang pagsusuri, mas marami na ngayon ang nabubuhay mag-isa o nagpapalaki ng bata bilang solo parent kaysa mga nagsasama bilang mag-asawa.

Siyempre, kapag may anak, mas nahihirapan ang solo parent sa pagpapalaki. At, dahil sila ang nagsisilang, karaniwan sa solo parent ay babae. Sa pagnanais na matulungan ang ganitong lumalaking sektor, naipasa ng ating mga mambabatas at ni President Erap noong 2000 ang Solo Parent Welfare Act. Isa itong landmark legislation na nagbigay ng benepisyo sa mga solo parent sa pagkilala ng kanilang mga suliranin bilang nag-iisang magulang at upang matulungan silang mabigyan ng higit na magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Ngayong 2010 ay nagpanukala si Sen. Loren Legarda ng mga karagdagang suporta at benepisyo para sa kanila tulad ng diskwento sa damit, pagkain at gamot ng kanilang mga sanggol na anak. Kasama na rin sa proposal ang pagbigay ng karagdagang exemption sa buwis.

Walang kukuwestiyon sa pangangailangan ng mga solo parent, lalo na’t mag-isa nilang binubuno ang mga katungkulang karaniwang ginaganap ng dalawang magulang. Hindi nga lang nawawala ang ingay mula sa mga tagapagtanggol ng mga pamilya na para bang pinapaboran nang mas­yado ang sitwasyon ng solo parenting. Kini­ki­lala ng Saligang Batas ang pag-aasawa bilang pundasyon ng pamil­ya at ang pamilya ang itinuturing ng Estado na pundasyon ng bansa.

Gayunpaman, hindi pa rin matatanggal ang katungkulan ng Pamahalaan na tumulong sa sektor na nanga­nga­­ila­ngan.

 Ang adhi­ka­­in, nasa ulap. Ang katotohanan ang siyang babagsakan sa lupa. Napapanahon ang pagrebisa ng Solo Parent Welfare Law upang higit itong maging kabuluhan bilang instrumento ng pagtulong sa mga bayaning solo parent.

KASAMA

LOREN LEGARDA

MARAMI

PARENT

PRESIDENT ERAP

SALIGANG BATAS

SHY

SOLO

SOLO PARENT WELFARE ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with