Paano ang 'Malacañang sa Sugbu' at 'Malacañang sa Davao'?
NGAYONG lumipat na si President Aquino sa Bahay Pangarap mula sa kanilang tahanan sa Times St., dapat na ring isunod ang tanong kung ano ang gagawin niya sa Malacañang sa Sugbu sa Cebu City at sa Malacañang sa Davao na pinagawa ni dating President Arroyo upang maging pansamantalang tuluyan tuwing nasa nasabing mga siyudad siya noon.
Ang Malacañang sa Sugbu ay binabawi na ngayon ng Bureau of Customs mula sa Palasyo dahil nga gusto na rin nitong gamitin ang nasabing ‘Aduana’ na hiniram lang noon ni Ginang Arroyo.
Gustong bawiin ng BOC upang gawin uli nila itong opisina at nang hindi na sila magbabayad ng renta na P50,000 sa building ng Cebu City Ports Authority kung saan sila pangkasalukuyang nag-oopisina.
Samantalang ginastusan naman ng higit P70 million ang pagpagawa ng Malacañang sa Davao na makikita sa loob ng compound ng Department of Public Works and Highways sa Barangay Panacan dito sa Davao City.
Ang nasabing Malacañang sa Davao ay right across the Samal Island. Mula sa veranda ng sinasabing presidential suite ay makikita ang Davao Gulf at ang Samal Island.
In terms of security naman, may separate building na pinatayo sa tabi ng main building ng Malacañang sa Davao para lang sa gamit ng mga Presidential Security Group personnel.
Ngunit hindi gaya sa Malacañang sa Sugbu na ilang ulit na ring binuksan sa publiko, ang Malacañang sa Davao ay hindi naging veneu for public events except for a number of functions noon na kung saan nakipagkita si dating Pangulong Arroyo sa mga piling representatives ng mga ilang sectors.
Kaya nga nasa kamay na ngayon ni Pangulong Aquino kung ano ang maging pasiya niya sa dalawang Malacañang sa labas ng Malacañang Palace mismo.
* * *
Dahil sa bombing na nangyari sa Zamboanga Airport noong Huwebes, nagpalabas ng bagong order si Davao City Mayor Sara Duterte na ma-review ang bagong security arrangement sa Davao International Airport.
Talagang naging nakababahala na ang bagong security arrangement sa Davao Airport dahil pinayagan na ang mga vehicles na lumapit sa main terminal building para sa loading and unloading of passengers na sadyang napakadelikado na bunsod nga sa anong nangyari noong 2003 bombing.
Sana lang mag-isip-isip na rin ang mga officials ng Aviation Security Group at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dapat ibalik ang dating security arrangement ng Davao Airport na kung saan may buffer zone between the loading and unloading area ng mga vehicles at ang main terminal building.
Huwag namang hintayin pa nating aatake ang mga sinasabing suicide bombers dahil nga napaka-soft target na ngayon ang Davao airport.
- Latest
- Trending














