^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tapyasan ang mga benepisyo

-

NAMUMROBLEMA ang pamahalaan ni President Aquino kung paano madadagdagan ang koleksiyon. Malaki ang deficit. Sa SONA ni Aquino, masyadong malaki ang nagastos ng pamahalaang Arroyo kaysa sa pumasok na kita. Anim na buwan pa lamang ang nalalagas sa 2010 pero ang budget na P1.54 trillion ay P100 bilyon na lamang ang natitira.

Para makalikom ng buwis, balak ng Bureau of Internal Revenue na kunan na rin ng buwis ang mga pampublikong sasakyan --- jeepney, tricycle at maski ang pedicab. Kapag lampas daw ng P25.00 ay magdemand ng resibo ang pasahero. Ito raw ang pagbabasehan para makalikom ng buwis sa mga maliliit na pampasaherong sasakyan.

Tama lamang na kunan ng buwis ang mga nabanggit na pampublikong sasakyan pero walang katiyakan kung ganap na makakakolekta. Kung ang mga taxi ay hindi nag-iisyu ng resibo, ang mga pedicab at tricycle pa kaya?

Mas mainam kung ang pagtutuunan ng pansin ay ang mga malalaking negosyante na may kasabwat sa BIR para madaya ang kanilng binabayarang buwis sa pamahalaan. Maraming mandaraya na kinakalong ng mga corrupt sa BIR kaya walang makolekta ang gobyerno. Matagal nang nangyayari ang ganitong kasamaan at kabulukan sa BIR kaya mas maganda kung ito ang unahin. Sabi ng BIR commissioner Kim Henares, hahabulin na nila ang mga tax cheaters at sinampolan na nga ang may-ari ng isang pawnshop na hindi nagbabayad ng buwis pero madalas bumili ng mamahaling sasakyan. Humanda raw ang mga mandaraya.

Maaari rin namang makatipid ang gobyerno kung babawasan ang maraming benepisyo ng mga opisyales ng government-owned and controlled corporations (GOCCs). Gaya ng mga opisyales ng MWSS na napakaraming bonus na natatanggap bukod pa sa malalaking suweldo. Hindi lang ang MWSS ang dapat halukayin. Marami pang mga opis­yales ng tanggapan ng gobyerno na nagpapasasa sa pera ng taumbayan. Tapyasin ang mga ito para makatipid sa gastusin.

AQUINO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUWIS

GAYA

HUMANDA

KAPAG

KIM HENARES

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->