^

PSN Opinyon

Kay Noynoy at Jojo

PILANTIK - Dadong Matinik -

Naiproklama na ang bagong pangulo

at ang kanyang bise kasama rin nito;

Malapit nang sila sa trono’y maupo

at sana’y matupad mga pagbabago!

Unang dapat gawin ni Aquino’t Binay –

paunlarin nila itong ating buhay;

Ang mga mahirap kanilang tulungan

mabigyang trabaho sa lunsod at bayan

Pangalawang marapat kanilang harapin –

ang ekonomiya ngayo’y paunlarin;

Kung tayo’y sagana sa ulam at kanin

walang magugutom lahat masaya rin!

Upang manatili ang kapayapaan

alagaan ninyo pulis at militar!

Mabubuting tao ang inyong ilagay

sa mga tungkulin na inyong katuwang!

Sana’y maiwasto turo sa eskwela

na ngayo’y butata sa utak ng bata;

Sila’y maka-graduate sa aral na tama

at ang mga guro ay hindi pabaya!

At kung ang pangulo’y hindi magtatamad

at ang kanyang bise’y magiging matapat –

Iikutin nila buong Pilipinas

upang ang problema’y malunasan agad!

Tulad ng problema natin sa Mindanao

tulong ng gobyerno’y lubhang kailangan;

Dapat ay mawala mga kaguluhan

Muslim at Kristiyano dapat magmahalan!

Dapat ding harapin ng pangulo’t bise

mga magbubukid palakihin ang ani;

Mga mangingisda’y marami ang huli

sagana sa isda’t pagkai’y marami!

Itong sambayana’y dapat kasama rin

sa magandang layon nitong mga lider;

Kung lahat kikilos sa pag-unlad natin –

lalaya ang bansa sa dusang kapiling!

vuukle comment

AQUINO

BINAY

DAPAT

IIKUTIN

ITONG

KRISTIYANO

MABUBUTING

MALAPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with