^

PSN Opinyon

'Kiss lang ba?'

- Tony Calvento -

(Huling bahagi)

NUNG MIYERKULES tinampok ko sa aking pitak ang mabigat na akusasyon sa 19 anyos na binatang tinago namin sa pangalang “Romel”. Kasong “Rape” ang kina­kaharap ni Romel. Tahasan naman niyang itinanggi ang akusasyon sa kanya.

“Ate, wala talagang nangyari, halikan lang! Kiss lang yun… ni hindi ko pinilit si Pinky na halikan ako! Hindi ko siya ni-rape,” kwento umano ni Romel kay Mich.

Iba naman ang nilalaman ng reklamo ni Pinky at ng kanyang mga testigo, ang sarili niyang ama na si Kapitan Erasmo Quizon at ng pinsan ng biktimang si “Pinky” na tinago namin sa pangalang “Karen”. Idinetalye nila ang mga pangyayari nung madaling araw nung Ika-10 ng Mayo 2008.

Nagkita ang dalawa sa kanto ng Halcon Street. Dumiretso sila Pinky at Karen sa ‘barracks’ ng construction site sa barangay Salvacion.

Nag-inuman sila Pinky sa barracks kasama sina ‘Tanoy’ (di tunay na pangalan) 12 anyos kaibigan ni Romel.

Bumili umano ng kalahating case ng red horse si Romel. Nag-inuman sila at dito na nagsimula ang umano’y panghahalay.

Sa isang sinumpaang salaysay na ibinigay ni Karen kay PO2 Marilou T. Salanap, Women Desk Officer ng La Loma Police Station, nung malasing sila ni Pinky naglabas umano si Romel ng tableta’t pilit umanong pinapainom sa kanila.

Iinumin na sana ni Karen ang gamot subalit nakita niya umano ang ‘valum’ nakasalat dito kaya’t agad siyang tumanggi

Pilit pinainom ni Romel ang valum kay Pinky. Mabilis naman niyang kinuha ang ‘cellphone’ ng pinsan upang itext ang kapatid nitong si ‘Katrina’.

Sinabi niya kay Katrina ang lugar kung saan sila nandun ng sa ganun ay matunton sila ng mga ito.

Nag-abang siya sa kanto, naabutan nalang niya ang ama ni Pinky na si Kapitan Erasmo. Tinanong nito kung nasaan ang kanyang anak. Agad naman niyang tinuro ang barracks.

Inutusan siya ni Kapitan na pumasok sa loob. Pagbukas ng pinto ni Karen nagulat nalang siya ng makita niya naka­patong na si Romel kay Pinky. Hubot hubad na si Romel, si Pinky naman walang damit pang-ibaba.

Sumunod namang pumasok si Kapitan at nakita rin niya ang anak niya na nasa ganung kalagayan.

Base naman sa sinumpaang salaysay ni Kapitan, nadatnan niya si Pinky na walang malay.

Nang sitahin niya si Romel bigla itong tumayo kaya’t dinakma niya ang binata bago pa ito makatakas. Umilag pa si Romel ng kanyang dakmain kaya’t ari nito ang kanyang nadakot.

“Matigas pa ang kanyang ari… Tatakas sana ito ng pin­to subalit ng buksan niya ito’y nakasarado pala. Hinuli na­min siya at dumating ang barangay upang kami’y tulu­ngan at di­nala kami sa Police Station ng Laloma para mag­hain ng reklamo,” sabi ni Erasmo sa kanyang sinum­paang salaysay.

Ika-12 ng Mayo, 2010 ng mag-file ang pamilya Erasmo ng kasong ‘rape’ sa Prosecutor’s Office ng Quezon City.

Dalawang taon na ring nasa pangangalaga ng Department of Social Worker and Development (DSWD), QC si Romel habang dinidinig na ang kaso sa Korte ng Branch 102.

Ngayong nasa ‘legal age’ si Romel, kinekwestyon na umano ng kampo ng biktima ang pamamalagi ni Romel sa DSWD. Sa mga panahong ito hindi na raw dapat si Romel sa kostudiya ng DSWD kundi sa kulungan. Kaya naman naisipin niyang pumunta sa aming tanggapan upang malaman ang legal na hakbang na maari niyang gawin.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 (tuwing 3:00 ng hapon) ang istorya ni Mich.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi na para aming talakayin kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Kung mag-‘boy friend’ sila na nahuli ng ama at dahil kapitan siya’y ipinakulong o kung totoo nga na ginawa nitong si Romel ay pinainom ng Valum si Pinky at ginahasa.

Menor de edad siya ng maganap ang insidente at nagpasa ng batas na Juvenile Justice Welfare Law o R.A 9344 na inak­da ni Francisco “Kiko” Pangilinan. Ang mga batang na­sa­sangkot sa mga krimen “children in conflict with the law” kapag below 15 ay di maaring kasuhan. Kapag ito naman ay 15-17 years old inaalam kung naiintindihan nila ang ka­ni­lang kasalanan. Ang kagalang-galang na hukom ang nagdi­desisyon nyan sa pakikipag-ugnayan na rin sa mga ‘social work­ers’ ng DSWD. Kung sakali mang napatunayan na si Ro­mel ay may kasalanan at alam niya ang kanyang mga pinaggagagawa siya’y sasailalim sa isang ‘intervention program’ sa DSWD. Dito mabibigyan siya ng ‘rehabilitation’ upang makapagbago at matapos yun maibalik siya sa kanyang pamilya sa pag-asang maging kapakipakinabang ang buhay niya hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa lipunan. Ang mga batang katulad ni Romel, nakasaad sa R.A 9344 ay hindi maaring ihalo sa mga kriminal sa iisang kulungan. Kahit gaano kataas ang tungkulin mo bilang ‘public official’ hindi pwedeng ipagpilitan ito. Ang kasong ito’y ku­maladkad na ng maraming buwan at sa kabuuan ay dalawang taon na si Romel sa DSWD. Ang mga social workers dun ang maaring magsabi sa kagalang-galang na hukom kung naging epektibo ang kanilang diversion program.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landLine ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Maari din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

Email Address: [email protected]

KANYANG

KAPITAN

LSQUO

NIYA

PINKY

ROMEL

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with