^

PSN Opinyon

Tulong sa magsasaka, ibabalik ni Erap

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

IBABALIK ni Presidente Erap ang comprehensive subsidies ng pamahalaan sa irigasyon at iba pang panga­ngailangan ng mga magsasaka bilang sentro ng kanyang agricultural strengthening and development agenda. Ang ganitong hakbangin ay ipinatupad niya noong kanyang termino sa Malacañang pero hindi itinuloy ng administrasyong Arroyo kaya naghihirap ngayon ang mga magsasaka at hindi nila nakakayanan ang pana­nalasa ng El Niño.

Noong senador pa si Erap, iniakda niya ang panukalang malawakang konstruksyon ng irrigation projects sa buong bansa. Ito ay inaprubahan ng Kongreso noong 1991 at naging Republic Act 6978 o Irrigation Law kung saan ay itinakda ang pagpapadaloy ng irigasyon sa 1.5-milyong ektarya ng lupaing agrikultural, partikular yung mga walang sistematikong patubig at umaasa lang sa ulan at maliliit na ilog.

Base sa ideya ni Erap, ang irrigation projects ay magsisilbi ring pangkontrol ng baha; pagkukunan ng malinis na tubig na pwedeng inumin at gamitin sa bahay; pampigil ng erosyon ng lupa; pangmantini ng watershed balance; paglulunsaran ng fish culture livelihood; electricity generation; at, para rin sa tourism development.

Nang dumaan ang El Niño sa bansa noong termino ni Erap ay agad niyang ipinatigil ang paniningil ng pamahalaan ng irrigation service fees (ISF) sa mga magsasaka upang maibsan ang kanilang problema sa pagkalugi dahil sa paghina ng ani. Nagpatupad din siya nang malawakang credit and incentives program sa mga magsasaka at sa kabuuan ng rural communities bilang pan­tulong sa pagtaas ng produc­tivity ng mga ito. Katuwang naman nito ang pagpapagawa rin niya ng maraming farm-to-market roads at iba’t ibang post-harvest facilities.

Dahil sa mga hakbanging ito ni Erap, sa kanyang termino naitala ang record-breaking na pinakamataas na agricultural productivity ng Pilipinas sa loob ng mahabang panahon. Aniya, ang sapat at komprehensibong tulong sa mga magsasaka ang susi upang matamo ang food security at pag-unlad ng bansa. Ito ang isa sa kanyang mga prayoridad na aasikasuhin sa kanyang pagbabalik sa Mala­cañang.

ANIYA

DAHIL

EL NI

ERAP

IRRIGATION LAW

KATUWANG

PRESIDENTE ERAP

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with