^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging maingat sa paggamit ng tubig

-

UMABOT na sa kritikal na lebel ang tubig sa Angat Dam kaya marami na ang naaalarma. Ayon sa Angat watershed area team, nasa 176 meters na ang level ng tubig, pinakamababa na raw ito mula noong 2004. Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng 97 percent ng tubig sa Metro Manila. Dumadaloy sa La Mesa Dam at saka isasailalim sa proseso bago makarating sa mga gripo ng bawat bahay sa maraming lugar sa Metro Manila. Ang Maynilad at Manila Water ang dalawang malaking kompanya na namamahala sa distribution ng tubig sa MM at karatig na mga probinsiya.

Hanggang Hunyo pa umano ang nararanasang tagtuyot dahil sa El Niño kaya ang payo at paalala ng pamahalaan sa lahat ay magtipid sa tubig. Huwag daw mag-aksaya. Kung maliligo ay sahurin sa planggana at ito ang ibuhos sa inidoro. Sa ganitong paraan ay na-recycle ang tubig. Huwag nang gumamit ng hose sa pagdidilig ng halaman sapagkat maaksaya. Gamitan na lamang ng tabo ang pagdidilig. Maaari rin naman ipandilig ang pinagbanlawan sa pinggan at iba pang gamit. Inspeksiyunin daw ang mga sirang tubo ng gripo sapagkat ang mga ito ang malakas magtapon ng tubig.

Magkaroon din naman nang masinsinang pag-inspeksiyon ang Maynilad at Manila Water ukol sa mga sirang tubo. Maraming tubo ang tumatagas at nasasayang ang tubig. Noong nakaraang linggo, nagkaroon nang pagbaha sa isang portion ng EDSA malapit sa Connecticut St. dahil sa pagkabasag ng tubo. Isinisi ang malalaking truck sa pagkasira ng tubo kaya bumulwak ang tubig. Dahil sa malakas na pagdaloy, maraming kabahayan sa nasabing lugar ang nawalan ng supply ng tubig. Ang tinipid ng mamamayan ay natapon lamang. Dapat magkaroon nang regular na pag-iinspeksiyon ang Maynilad at Manila Water sa mga lugar na laging dinadaanan nang mga sasakyan para makita kung may mga tubo ng tubig na nasisira at dapat nang palitan.

Paigtingin ang kampanya sa pagtitipid ng tubig sa mga tanggapan ng pamahalaan. Huwag ningas-kugon sa nasimulan. Hindi dapat ipagwalambahala ang unti-unting pagkatuyo ng pinagkukunan ng tubig. Magkaisa para hindi maaksaya ang tubig.

ANG ANGAT DAM

ANG MAYNILAD

ANGAT DAM

CONNECTICUT ST.

EL NI

HUWAG

MANILA WATER

METRO MANILA

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with