^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Killer Arina'

-

HINDI pa nareresolba ang pagpasok sa bansa ng “magic sugar” meron na namang kinatatakutan ang sambayanan --- ang arina na galing Turkey. Umano, kontaminado ang arina na galing Turkey at masama sa kalusugan. Ito umano ay carcinogenic o nagdudulot ng cancer. Ang arina ay tinanggihan na umano sa Indonesia kaya dito naman dinala sa Pilipinas. Bukod sa carcinogen, may taglay ding mycotoxins ang arina.

Kawawa naman ang bansa na ginagawang tambakan ng mga produktong nagdudulot ng sakit. Ka-tulad ng “magic sugar” na ipinagbawal na sa bansa mula pa noong 1970’s, ang arina galing sa Turkey ay smuggled din kaya naipasok sa bansa. Kung paano nakalulusot sa mga daungan sa bansa ay malaking katanungan. Kung paano nalusutan ang Bureau of Customs ay malaking question mark. Sa pagpasok ng mga kontrabandong ito sa bansa, nalulugi nang malaki ang gobyerno. Kaya doble ang nagagawang pinsala sa Pilipinas, nanakawan na sa buwis ay unti-unti pang pinapatay ang mga Pinoy dahil nga kontaminado. Ang arina mula sa Turkey ay hindi lamang sa paggawa ng tinapay ginagamit kundi pati na rin sa noodles.

Nakaaalarma ang balita na ang kontaminadong arina ay nakakalat sa Camarines Sur at iyon ang ginagamit sa paggawa ng bihon at iba pang uri ng noodles. Ang Camarines Sur umano ang pinakamalaking distributors ng pansit sa buong bansa. Doon umano nanggagaling ang mga bihon, miki at iba pang noodles na dinadala sa Manila at iba pang siyudad sa bansa.

Delikado sa kalusugan ang arina mula sa Turkey kaya nararapat na mag-ingat ang mamamayan. Huwag basta-basta bumili ng mga produktong gawa sa arina. Dapat munang siguruhin kung ang ginamit ay arinang galing sa Turkey. Sabi ng Department of Health (DOH) tatagal pa ng tatlo hanggang apat na araw ang pag-testing ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) sa arinang galing Turkey. Magsasagawa raw ng paulit-ulit na tests ang BFAD para matiyak kung kontaminado nga ang Turkish flour.

Kung mapatunayang kontaminado ang arina, ipag-utos kaagad ang pagkumpiska sa lahat ng mga produktong gumamit nito. Bagamat mahirap matiyak kung anong arina ang ginamit sa tinapay at bihon, dapat isailalim din ang mga ito sa pagsusuri ng BFAD. Hindi dapat ipagsapalaran ang kaligtasan ng mamamayan sa pagkakataong ito. Umano’y ang mga maliliit na bakery ang gumagamit ng Turkish flour. Ginagawang pan de sal, pan de coco, pan de lemon at monay.

Magkaroon naman ng puspusang pagbabantay sa mga port para hindi na mailusot ang mga “killer arina”.

ANG CAMARINES SUR

ARINA

BANSA

BUREAU OF CUSTOMS

CAMARINES SUR

DEPARTMENT OF HEALTH

PILIPINAS

TURKEY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with