^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ingat sa pagtatapon ng upos na may sindi

-

ANG Marso ay Fire Prevention Month. Pero nga­yong nananalasa ang bagsik ng El Niño na ayon sa PAGASA ay tatagal pa ng hanggang Hunyo, dapat buwan-buwan ang gawing pag-iingat sa sunog. Sa sobrang init ng panahon, meron lang magtapon ng upos sa basurahan o sa damuhan, ma­aari nang lumikha ng sunog.

Sa panahong ito ng sunog dapat maigting ang Bureau of Fire Protection sa pagpapaalala sa pub­liko na huwag basta magtatapon ng mga may sindi pang sigarilyo o upos. Karaniwan nang ang mga naninigarilyo ay basta na lamang ipinipitik ang ka­ nilang upos at wala nang pakialam kung ang napi­tikan ay tambak ng mga papel, karton at iba pang bagay na madaling magliyab. Mas makabubuti kung magka­karoon ng kampanya ang BFP na huwag mag­tatapon ng upos na may sindi. Ang mas nakatatakot ay kapag sa mga tuyong damo naipitik ang upos at iyon ang pagsisimulan ng sunog. Mapapansin na marami nang natutuyong damo sa kapaligiran ngayon na mahagisan lamang ng upos na may sindi o malaglagan ng kaunting baga ay sisiklab. Kakalat ang apoy at ito na ang simula ng wildfire.

Sa United States, Australia at Canada ay madalas mangyari ang wildfire. Kaya mahigpit ang pamaha­- laan doon sa mga nagsusunog ng basura at nagta­tapon ng mga upos at baka lumikha ng wildfire. K­apag nasimulan ang apoy, hindi na mapipigil at lala­munin ang mga pananim, gubat at maski ang mga kabaha­yan. Sinasabing siyam sa 10 wildfire sa US at Australia ay kagagawan ng tao. Maaari ring pag­simulan ng wildfire ang kidlat pero maliit lang ang porsiyento nito.

Malaki ang posibilidad na mangyari sa Pilipinas ang wildfire lalo pa nga’t walang disiplina ang mga tao. Tapon lang nang tapon ng mga basura na maaa­ring pagsimulan ng sunog. Kaya nararapat na ma­ging maigting na ang pamahalaan sa pagsuweto sa mga walang disiplinang Pilipino.

Sa panahon din naming ito nararapat maghigpit ang city hall officials sa mga may-ari ng gusali at establisimento. Karaniwang sa faulty electrical wiring nagsisimula ang sunog. Inspeksiyunin ang mga linya ng kuryente at baka nginatngat na ng daga. Magsagawa ng pagbisita sa mga school, ospital, sinehan, disco houses at malls. Tiyakin kung may mga fire exit ang mga ito.

Huwag nang hintayin ang trahedya na kung kailan meron nang namatay saka ipatutupad ang paghi­higpit. Matuto na sa mga nangyaring mala­lagim na sunog na pumatay nang maraming tao.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EL NI

FIRE PREVENTION MONTH

KAYA

NANG

SA UNITED STATES

SHY

SUNOG

UPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with