^

PSN Opinyon

Peace and order, pangunahing adbokasiya ni Erap

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MARAMING pumuri at sumuporta sa pahayag ni Presi­dente Erap na ang pagtitiyak ng peace and order sa ban­­sa ang isa sa kanyang mga nangungunang adbo­kasiya.

Ayon kay Erap, ang mga sigalot, kaguluhan, krimen at tahasang mga paglabag sa batas ang dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng tunay na kaunlaran sa ating bansa laluna sa kanayunan.

Pinuna niya ang mga nagaganap na matinding kara­hasan, partikular ang mga insidente kamakailan na pag­patay sa isang elementary school teacher sa harapan mismo ng mga estudyante sa Argao Cebu, gayundin ang sinasabing tangkang pagpaslang kay Buluan, Maguin­danao Vice Mayor Esmael Mangudadatu sa isang mall sa Davao City at ang mga pamamaril sa Cavite,

Bukod sa mga ito ay pinansin din niya ang tuluy-tuloy pa rin na paglipana ng mga armas at pamamayagpag ng mga armed group sa Mindanao at sa marami pang lugar sa bansa, at siyempre ay ang mga kidnapping at mga gawaing terorismo.

Ang 50 taon nang Muslim rebellion at apat na dekada nang communist insurgency ay kailangan na aniyang mawakasan, at ito ay sa pamamagitan ng pagresolba mis­mo sa ugat ng naturang mga pag-aalsa tulad ng in­hustisya, grabeng kahirapan at kawalan ng trabaho.

Mayorya sa ating mga kababayan ay humanga at natuwa sa itinaguyod ni Erap na kapayapaan at kaayusan sa buong bansa laluna sa Mindanao at sa mga itinuturing na NPA-influenced area noong kanyang panunung­kulan sa Malacañang, pero nang sapilitan siyang pi­nababa sa puwesto ay muli na namang namayagpag ang karahasan at lawlessness. Natural lang aniya na na­tatakot talagang pu­mun­ta sa Pilipinas ang mga da­yuhang negosyante at tu­rista hang­ga’t hindi nare­re­solba ang mga proble­mang ito sa peace and order. Ganito rin ani­ ya ang na­daramang pag­kata- kot ng mga kababayan natin mis­mo na gusto sanang ma­mas­yal o kaya ay mag­negosyo sa iba’t ibang ba­hagi ng bansa.

Ayon kay Erap, ang mu­ling pagtataguyod ng peace and order sa buong bansa ang kanyang unang-unang aasika­suhin kapag nagbalik na siya sa Mala­cañang.

ARGAO CEBU

AYON

BUKOD

BULUAN

DAVAO CITY

ERAP

MINDANAO

SHY

VICE MAYOR ESMAEL MANGUDADATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with