Ex-con sa Congress?
PULOS balitang disqualification ng mga kandidato ang nabalitaan natin sa nakalipas na mga araw: Diniskuwalipika ng COMELEC ang aktor na si Richard Gomez bilang kandidato sa pagka-kongresista ng Ormoc, Leyte; Gayundin ang nangyari kay Luis “Baby Asistio” na ibig tumakbong alkalde ng Caloocan at; Abraham Mitra na naunsiyami ang pagkandidato bilang gobernador ng Palawan. Iisa ang ground ng kanilang disqualification: Hindi nila nasunod ang residency requirement.
Pero iba naman ang ground for disqualification na tinuran ni Rep. Danilo Suarez ng 3rd district ng QC laban kay dating Governor Eddie Rodriguez na ngayo’y ibig sungkitin ang puwesto ni Suarez. Ito ay dahil nabilanggo si Rodriguez sa United States dahil sa patong-patong na krimen laban sa kanya. Naging kontrobersyal si Rodri-guez maraming taon na ang nakalilipas matapos mag-claim ng malaking halaga mula sa Insurance sa America para sa pekeng pagkamatay ng kanyang asawa at biyenan. Sinampahan siya ng apat na kaso ng insurance fraud, isang grand theft o malakihang pagnanakaw at attempted grand theft ng Fraud Division ng California Department of Insurance noong 1985. Kaya hinatulan ng pagkabilanggo ni Judge Bob Bowers ng LA County Superior Court sa California.
Lahat ng walong kaso ay may kinalaman sa pinekeng pagkamatay ng dalawang taong malapit sa puso ni Rodriguez. Nakakubra umano si Rodriguez ng $150,000 ngunit madaling nabuking. Kung hindi nasilat ang tusong plano, tinatayang makakakubra si Rodriguez ng $850,000 o P39.10 milyon. Nakapag-piyansa siya ng $2-M pero mabilis na nakatakas kasama ang kanyang misis pabalik ng Pilipinas. Kumandidato pa siya at naging governor ng Quezon Province. Pero masyadong mahaba ang kamay ng hustisya ng USA kaya siya ay natiklo ng Interpol at sa bisa ng extradition treaty ng RP at USA, ibinalik siya sa LA para ikulong.
Giit ni Suarez, kahit dapat bigyan ng second chance ang dating bilanggo, dapat ikon- sidera ang moral character nito. Aniya’y dapat mag-ingat sa pagbibigay ng poder sa mga taong may masamang record lalo na sa salapi. Paano mo maipagkakatiwala sa ganyang tao ang countrywide development fund o “pork barrel?” ani Suarez. Abangan na lang ang tugon ng COMELEC.
- Latest
- Trending