^

PSN Opinyon

Bye-bye Baby?

- Al G. Pedroche -

NANGANGAMBA raw ang mga taga-Caloocan na baka maging marahas ang eleksyon sa lungsod. Huwag naman sana dahil taga-riyan ako. Kasi’y galit na galit daw ang kumakandidato sa pagka-meyor ng lungsod na si Luis “Baby” Asistio sa decision ng Metropolitan Trial Court na hindi siya residente ng lungsod kundi ng Makati. Despues, diskuwalipikado siyang kumandidato porke mabubura siya sa voters’ list, kagaya ng atas ng korte sa COMELEC.

Tila malabo na raw mabago ang desisyon ng Metropolitan Trial Court (MTC) na nag-rule kamakailan na si Asistio ay hindi na pwedeng tumakbo sa pagka-alkalde. Anang MTC, ang tatlong address na sinasabi nito na kanyang tirahan ay pulos peke at pawang “imbento”. Pero palaban si Asistio. balak raw niyang sampahan ng “gross ignorance of the law” si Judge Arthur Malabaguio na nagpalabas ng desisyon. Umaksyon ang Korte base sa isang petition for exclusion na isinampa ni Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri. Ani Echiverri, sa Makati City talaga nakatira si Asistio. Katunggali ni Echiverri si Asistio sa darating na Mayo 10.

Sinasabing kahit ang barangay chairman na nagser-tipika na si Asistio ay residente ng lugar ay hindi maka­pagpatunay na ang dating Congressman ay naninirahan doon. Sa pahayag ng korte, ang “123 Interior P. Zamora St.” na inirehistro ni Asistio sa kanyang Certificate of Can­­didacy ay non-existent pati na ang dalawang iba pang address. Ang huli niyang kilalang address ay sa Makati City.

Batid ng publiko na matagal na napiit si Asistio sa ka­ song kidnap for ransom pero nakalaya nang bigyan ng absolute pardon ni dating pangulong Erap Estrada na malapit niyang kaibigan. Siya ay anak ni dating Caloocan Mayor Macario Asistio, Sr. at kapatid naman ni Ma­cario “Boy” Asistio III na naging mayor din ng 17 taon doon. Ang kapatid nilang si Aurora Asistio-Henson ay nagsilbi ring kinatawan ng 1st district. “Asistio Country” ang ta­wag sa Caloocan ng mga panahong iyon.

Ayon naman kay Asis­tio, lalabanan niya ang desisyon dahil ang kaso umano ay labas sa huris­diksyon ng korte.

ANI ECHIVERRI

ASISTIO

ASISTIO COUNTRY

CALOOCAN

CALOOCAN MAYOR ENRICO

CALOOCAN MAYOR MACARIO ASISTIO

MAKATI CITY

METROPOLITAN TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with