'Ba't ayaw nang tigasan?'
Dr. Elicaño, ako ay 45 years old pa lamang pero bakit ayaw na akong tigasan at kung tigasan man ay madali ring lumalambot. Ako ay diabetic at mataas ang level ng cholesterol. May kaugnayan ba ang mataas na cholesterol sa hindi pagtigas o pagsaludo ng ari. Ako po ay malakas uminom ng alak. Pakipaliwanag po.” —LUIS MALAPUTI, Or. Mindoro
Malaki ang kaugnayan ng mataas na cholesterol level sa pagiging inutil o impotence o hindi pagtigas ng ari. Kapag mataas ang cholesterol, nababarahan ang ugat na patungo sa ari. Kapag nabarahan ito ng natural na hindi titigas. Walang dumadaloy na dugo. Kailangang maalis ang bara para muling tumigas si “Peter”.
Ang malakas na pag-inom ng alak ay dahilan din ng impotence sapagkat nababawasan ang lakas ng nerve signals. Nababawasan din ang produksiyon ng hormone androgen. Ang paninigarilyo ay itinuturo ring dahilan ng impotence.
Marami pang dahilan kung bakit hindi tinitigasan ang isang lalaki. Kadalasan ay side effect ito ng physical disorders, psychological at emotional factors. Sa physical disorders ay kabilang ang pagkakaroon ng atherosclerosis, diabetes, thyroid disorders, sakit na apektado ang nervous systems urinary tract at genitals at ganundin ang pag-inom ng gamot na pang-hypertension.
Dahilan din ng impotence ang stress, fatigue, anxiety, guilt, embarrassment at depression.
Kung mataas ang iyong cholesterol, dapat ang diet mo ay pawang prutas, gulay, whole grains at katamta-man lang ang karne at dapat ay walang taba. Iwasan ang balat ng manok, butter at cheese.
- Latest
- Trending