^

PSN Opinyon

Anghel

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BATA pa lang tayo lagi nang sinasabihan na may anghel na nagbabantay sa bawat isa sa atin. Ginagabay tayo sa pang-araw-araw na gawain, at nililigtas o nililihis tayo mula sa peligro. May dasal pa nga na tinuro sa atin noong bata pa tayo, na siyang binibigkas natin bago matulog.

Nang tumanda tayo at lumawak ang ating isipan, unti-unti na nating nakalimutan ang konsepto ng anghel. Para naman sa mga ibang tao, may pumalit na kontra sa mga anghel, na siyang gumagabay din sa kanila para gumawa ng kasamaan.

Aminado pa nga ang iba na iyong mga kontra-anghel ang tumulak sa kanila para gumawa ng masama!

May isang tungkulin din ang mga anghel. Nakaka­kilabot na tungkulin. Sa Bibliya, tuwing may gustong parusahan o kaya’y pataying tao na ang Diyos, inuutusan niya ang isang anghel para gawin ito.

Kaya isipin na lang ninyo kung anong klaseng nilalang ang isang anghel. Tagapagligtas, at taga-patay ng Diyos!

May pelikula nga ngayon na pinapakita ang konseptong ito. At marami na ring pelikula ang isinagawa na umiikot sa kuwento ng mga anghel. Iba’t ibang konsepto ang inihain na sa mga manonood.

Kaya kapag may mga okasyon na tila naaantala kayo sa mga lakad at gawain ninyo, isipin na lang ninyo na sinadya iyon ng mga anghel para malihis kayo sa peligro. Iyong tagal sa paghintay ng tren, bus, dyip o taxi, iyong pagbalik ninyo sa bahay dahil may nakalimutan kayo, iyong hindi ka makaalis kaagad mula sa pinagparadahan ninyo.

Baka mga anghel na iyan na kumikilos para sa inyong kapakanan! Panandaliang inantala kayo para dumaan muna ang peligro.

At baka ganun na nga ang nangyari sa nakaligtas sa tiyak na kamatayan sa pagbagsak ng isang PAF na Nomad sa dalawang bahay sa Cotabato City. Ligtas ang isang maybahay dahil nasa ibang silid siya nung bumagsak ang nasabing eroplano!

Ang mga nakatira naman sa katabing bahay ay wala lahat nang maganap ang aksidente. Di natin masasabi kung bakit may naligtas at may mga namatay, at nasa Diyos na ang mga ganyang desisyon.

Pero naniniwala ako na araw-araw ay may mga nagbabantay talaga sa atin, at naghihintay na lang ng payo at utos mula sa Diyos kung anong tadhana ang kailangang patuparin.

Lumingon na ba kayo? Baka katabi niyo lang. Sana anghel nga!

AMINADO

ANGHEL

COTABATO CITY

DIYOS

GINAGABAY

IYONG

KAYA

PARA

SA BIBLIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with