^

PSN Opinyon

Erap at Anwar: Mga kampeon ng masa at demokrasya

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay natutuwa sa muling pagkikita nina President Erap at Malaysian Parliamentarian Anwar Ibrahim kamakailan dito sa Maynila. Masaya silang nag-almusal, nagkuwentuhan at nakipagtalakayan sa mga mamamahayag.

Sina Erap at Anwar ay matagal nang magkaibigan at kapwa itinuturing na mga kampeyon ng masa at demo­krasya sa kani-kanilang bansa. Pareho silang nakulong noon dahil sa politically-motivated cases na ang pangu­nahing motibo ay i-harass sila at patalsikin sa puwesto.

Si Erap ay nakulong noong 2001 hanggang 2007 habang si Anwar ay noong 1999 hanggang 2004. Si Anwar ay muling nahalal sa Malaysian Parliament noong 2008, habang si Erap naman ay kandidato sa pagka-presidente ngayong 2010 elections. Patuloy na luma­lakas ang liderato nilang dalawa sa oposisyon at sa kampanyang pro-masses and pro-democracy.

Pinasalamatan at pinahalagahan nila ang pagtu­tulungan sa isa’t isa noong panahong kapwa sila ginigipit ng kanilang mga kalaban sa pulitika. Pinag-usapan din nila ang mga hindi-malilimutang karanasan at magagan­dang pangyayari sa kanilang pagkakaibigan at pamilya, gayundin ang mga kaganapan sa Pilipinas at Malaysia.

Binigyang-pansin ni Erap ang pangamba ni Anwar tungkol sa nalalapit na automated elections sa ating bansa laluna’t maraming nagiging problema at aberya ang na­turang sistema at inaamin naman ito ng Co­melec. Ayon pa kay Anwar, makabubuti kung magkaka­roon ng international election observers tulad halim­bawa mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tumulong sa pagba­bantay sa election.

Napakahalagang maging maayos, mapayapa at ka­tang­­gap-tanggap ang ga­gawing kauna-unahang nationwide automated elections sa ating bansa kaya kaila­ngang mag­tulung-tulong tayong lahat sa pag­ babantay at panga­ngasiwa nito.

ANWAR

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

ERAP

MALAYSIAN PARLIAMENT

MALAYSIAN PARLIAMENTARIAN ANWAR IBRAHIM

PRESIDENT ERAP

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

SI ANWAR

SI ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with