^

PSN Opinyon

Bakbakan ng politika sa Eastern Samar

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PAGBABAGO ang kailangan ng madlang people sa Eastern Samar porke banas na sila sa puro pangakong napapako ng mga kamoteng politiko nila doon na walang ginawa kundi ang farm to market road project ay sa bulsa nila pumapasok kaya naman ang nasabing province until now ay walang asen­so at isa pa rin sa itinuturing na pina­kamahirap na probin­siya sa Philippines my Philippines.

Sa Eastern Samar, puedeng gamitin ang gitna ng kalye bi­lang taniman ng kahit na anong puedeng itanim dahil gra­be as in grabe ang kalye todits kapag inulan ang putik lagpas tuhod at kapag bumaha grabe rin puedeng daanan ng barko kasi nga mistulang dagat? Hehehe!

Totoo kaya ito Eastern Samar Governor Ben Evardone, Your Honor?  

Kailangan baguhin na ang takbo ng politika sa province of Easter Samar huwag ng bilugin ang ulo ng madlang people todits dahil sawa na sila sa pangako.

Puro kasi pitsa ang pinaandar dito noon mga nakalipas na panahon kaya naman tuwang-tuwa sa galak ang mga magkaka-parientes todits dahil nabibiyayaan sila ng mga bugok na politiko.

 Kaya lang ang masama ilan lang ang nakakasambot ng hulog ng langit ang malalapit lang sa grasiya ang nakikinabang pero ang mga malalayo lalo’t iyon nasa mga bundok ay luhaan kaya naman naggagalaiti ang mga ito sa pagsasabing ‘enough is enough.’

Hindi birong pitsa ang binagsak ng government of the Republic of the Philippines my Philippines sa Eastern Samar pero ang masama ang mga bugok na politiko dito ang nakinabang dahil sa bulsa nila pumasok ang pitsa para sa mga pobreng alindahaw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pagtuunan ng pansin o bigyan ng prioridad ng mga matitinong politikong mananalo sa Mayo 2010 ay ang health, education, livelihood program, agriculuture, at siempre ang peace and order dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng probinsiya laban sa mga taratandong kriminal at mga abusadong bugok na politiko!

Isingit din natin ang youth sector at ang mga senior citizen na napapabayaan na rin.

Sangkaterba ang naghihirap sa Samar na kailangan bigyan importansiya ng pamahalaan ang masama ang mga kamote todits ang gumagawa ng paraan para gaguhin ang madlang people sa nasabing lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kapirasong bulak na panggamot sa mga sugat ay ibinebenta sa mga maysakit todits siempre kasama pang ipinagbibili ang health record form?

 Naku ha!

 Totoo kaya ito?

 May 23 provinces ang sakop ng Eastern Samar kaya medyo maganda sana ang pondong ibinabato ng gobierno todits kaya lamang hindi maiwasan ng mga kamoteng politiko na sa bulsa nila pumasok ito dahil sa sariling interes.

Tulad na lamang ng mga naglalakihan mansion ng mga bugok na politiko ang napagawa ng mga kamote noon ka­sag­­sagan ng karakutan blues sa mga ipinagawang mga proyekto todits.

Kung si Maximo ‘Max’ Aljibe, ang tatanungin para sa ikauunlad ng Eastern Samar marami itong gusto na tiyak na makakatulong ng malaki hindi lamang sa probinsiya kundi maging sa mga kababayan niya todits.

Isa sa gustong mangyari ni Aljibe, ay palakasin ang edu­kasyon sa kanilang province bigyan ito ng malaking pondo siempre kasama ang pang-kalusugan para mapakinaba­ngan ng madlang people hindi porke gusto niyang ipaglaban ang kanyang mga contituent sa Kongreso kundi para tigilan na ang mga kagaguhan sa province.

 Isasama rin ni Max, ang livelihood, peace and order at agriculture.

 Kailangan ito ng mga kababayan ko na matagal ng pinangakuan ng ilang politiko todits pero alaws nangyari.

 Si Aljibe, ay isa sa mga kandidato bilang kinatawan ng mamamayan ng Eastern Samar sa House of the People marami silang maglalaban -laban pero ayon sa mga taga - rito angat ito sa dalawang makakabakbakan niya.

 Kaya naman hindi nagkamali si Senator Manny Villar sa pagpili todits bilang kasangga niya.

Abangan.

ALJIBE

EASTER SAMAR

EASTERN

EASTERN SAMAR

KAYA

SAMAR

SHY

TODITS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with