^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Special treatment sa Ampatuans

-

KUNG hindi pa naibulgar ng media ang ginaga­wang espesyal na pagtrato ng mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa PNP camp sa Gen. Santos City sa mga Ampa­tuans, baka hanggang ngayon ay nakikinabang pa ang mga suspect sa Maguindanao massacre. Maka­raang mabulgar ang special treatment, itinapon ang tatlong pulis CIDG sa iba’t ibang malalayong lugar. Ang tatlong pulis na umano’y nagbigay ng special treatment sa mga Ampatuan habang nakakulong sa Camp Fermin Lira ay sina Sr. Insp. Jose Teody Con­desa, SPO4 Alex Pedroso at SPO3 Militante. Si Con­desa ay itinapon sa Sultan Kudarat samantalang sina Pedroso at Militante ay sa Sarangani. Ang nag-isyu sa pagpapatapon sa tatlo ay si Sr. Insp. Pedro Austria, director ng CIDG-12.

Paano kaya kung hindi nadiskubre ang ginaga­wang special treatment ng tatlong pulis kina Zaldy Ampatuan, Sajid Ampatuan, Anwar Ampatuan at Akmad Ampatuan? Para lang nagbabakasyon ang mga suspect sa loob ng PNP camp dahil mayroong cell phone, nakapagpapa-cater pa ng pagkain at meron pang tagalinis ng kanilang selda. Sabi naman naman ng mga awtoridad doon, hindi naman daw binibigyan ng special treatment ang mga suspect sa Maguindanao massacre kung saan 57 katao ang pinatay. Kung walang ginagawang special treatment bakit itinapon ang mga pulis?

Malakas ang impluwensiya ng Ampatuans at   iyan ay pinatutunayan ng paghawak nila sa mga pulis sa Maguindanao. Parang mga robot ang pulis sa Maguindanao na pinagtatakpan ang gawain ng mga Ampatuans. Hawak ng Ampatuans ang Ma-guin­danao. Makatatanggi ba ang tatlong pulis     CIDG sa maiimpluwensiyang angkan?

Maski si dating Datu Unsay mayor Andal Ampa­tuan Jr. ay masasabing nakatatanggap ng special treatment. Bakit nga ba sa NBI siya nakakulong ga­yung dapat ay sa city jail siya naroroon. At ano ba ang malay ng taumbayan kung sa NBI ay nakaga­galaw din siya nang maayos, may cell phone at may pagkaing sagana. Ang tanging nakaaalam ay NBI.

Lahat ng Ampatuans ay nakatatanggap ng espesyal na pagtrato kaya dapat lang bantayan.

vuukle comment

AKMAD AMPATUAN

ALEX PEDROSO

AMPATUANS

ANDAL AMPA

ANWAR AMPATUAN

MAGUINDANAO

PULIS

SHY

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with