^

PSN Opinyon

VIP sa Mindanao

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HINDI ako magtataka kung VIP nga ang trato sa mga nakakulong na Ampatuan sa isang kampo sa General Santos City. Habang nasa Mindanao ang mga Ampatuan, mananatili silang hari, kahit nakakulong pa. Siguradong nasa mga bulsa nila ang mga pulis na nagbabantay sa kanila. Kung hindi rin lang papalitan ang mga pulis doon, makukuha pa rin ng mga Ampatuan ang tratong hari mula sa lahat ng kaalyado. Tandaan na may mga sangkot na pulis sa mismong pagpatay sa 57 tao noong Nobyem-bre 23, 2009. Hinamon pa nga ng isang SPO4 Alex Pedroso ang media na magsampa na lang ng kaso sa korte kung tinatrato nilang VIP ang mga nakakulong. Parang naririnig ko na ang boses ng administrasyon sa pahayag na ito. Nakita umano ng isang reporter na kausap at kasamang kumain ang mga pulis sina Zaldy at Sajid Ampatuan sa isang mesa. Agad daw silang pinasok sa selda nang makita ang nasabing reporter.

Kaya naman tama lang na ilipat ang mga akusado sa isang kulungan sa Manila. Sa Manila, mababantayan pa ng media nang husto! Dapat ilayo sa kanilang kaharian ang mga akusado at masyado pa rin silang malakas, kahit marami nang mga armas at bala ang nakuha. Marami pa ring mga taga-suporta ang mga Ampatuan, at hindi malayo na subukan silang ilabas sa kulungan. Dapat siguro may mga kamag-anak ng mga minasaker na nagbabantay din sa loob ng kampo, para walang masabi na sila’y binibigyan ng VIP treatment. Catered pa yata ang kinakain nila at may taga-linis pa ng selda!

Magsisimula na ang pagdinig sa kaso laban sa mga Ampatuan. Malalaman na natin kung talagang iikot ang mga gulong ng hustisya para sa mga biktima, o kung pahahalagahan ng administrasyon ang pagkakaibigan nila sa mga Ampatuan. Sa totoo lang, ako’y nababahala sa magiging kalalabasan ng kasong ito. Sigurado may matuturong may sala, tapos lahat abswelto na. Huwag naman sana. Kapag mapatunayan na may sala, ikulong na panghabambuhay! Nakita na natin kung paano ma­muno ang pamilyang ito sa Maguindanao.

Nararapat bang ibalik pa sila sa kapangyarihan? Buti na lang may illegal possession of firearms pa na kaso!

vuukle comment

ALEX PEDROSO

AMPATUAN

BUTI

DAPAT

GENERAL SANTOS CITY

HABANG

NAKITA

SA MANILA

SAJID AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with