^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Palobo nang palobo ang mga Pilipino

-

TAUN-TAON ay dalawang milyong sanggol  ang isinisilang. At kapag nagtutuluy-tuloy ang ganito karaming isinisilang ngayong 2010, aabot     na ang populasyon ng Pilipinas sa 94 milyon. Lolobo nang todo ang Pilipinas at tiyak na mara-ming problema ang sasalungahin ng presidenteng uupo makaraan ang 2010 elections. Siya ang mag­da­ranas nang katakut-takot na problema ukol sa population na pinabayaan ng Arroyo administration. Mamanahin niya ang bunga ng kawalan ng population management ni President Arroyo.

Maraming Pilipino ngayon ang gustong mag­plano ng pamilya. Ang karaniwang dami ng anak na kanilang gusto ay hanggang dalawa lamang. Pero dahil kulang sa impormasyon ang nakarara­ming magulang ukol sa tamang pagpaplano, hindi nangyayari ito kaya patuloy pa rin sa pagdami. Pan­sinin ang mga nakatira sa mga tabi ng riles ng tren, tabing sapa o estero at sila ang manumutiktik sa anak. Hagdan-hagdan ang kanilang mga anak na pawang sipunin at malalaki ang tiyan.

May mga magulang na gustong gumamit ng contraceptives subalit wala namang lubos na nagpapa­unawa sa kanila ng tungkol dito. Hindi nila alam kung paano gagamitin o kung ligtas ba ito. Yung iba ay wala namang perang ibibili ng contraceptives o condom kaya. Noong dekada 70 ay libre ang contraceptives sa mga health centers at itinuturo rin sa mga mag-asawa kung paano ito gagamitin at kung kailan safe at hindi safe magtalik ang mag-asawa. Ngayon ay wala na ang ganito. Kung gusto mong mag­plano ng pamilya, bumili sa botika. At ang resulta ng ganitong kawalan ng population management ay ang pagdami. At sa pagdami ay umuusbong pa ang maraming problema gaya ng pagkagutom, kahirapan at krimen.

Tinalo pa ng Thailand ang Pilipinas kung ang population management ang pag-uusapan. Noong dekada 70 halos magkasingdami lang ang Thais       at Pinoys pero ngayon, kumapal nang ilang beses ang Pinoys sa Thais. Sa Thailand, walang gaanong na­gu­gutom pero dito sa Pilipinas sangkaterba. Narara­pat na ang Pilipinas ay magkaroon ng ta­-mang dami para iwas sa kahirapan at gutom.

HAGDAN

KUNG

MARAMING PILIPINO

NOONG

PILIPINAS

PINOYS

PRESIDENT ARROYO

SA THAILAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with