^

PSN Opinyon

Babala ng BITAG sa mga ina na bibili ng pang-noche buena - basahin muna 'to!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

DALAWANG araw na lamang, magkakasama-sama na ang bawat pamilyang Pilipino sa hapag-kainan para sa isang natatanging araw, ang noche buena bilang pag­salubong sa kapanganakan ni Hesus.

Subalit bago pa man dumating ang Disyembre 24, nagbibigay babala na ang BITAG sa mga ina ng tahanan o mga kasambahay na naatasang mamili para sa maha­lagang hapunan.

Maging maingat sa pagpili ng mga karneng inyong bibilhin, sa mga okasyong tulad nito, dumarami ang mga nagsasamantalang negosyante.

Ang tinutukoy ng BITAG ay mga tindero’t tindera sa palengke na nagbebenta ng mga botya o double dead na karne ng manok, baboy o baka man ito.

Siguraduhing ang inyong bibilhan ay kilalang ligtas at dumaan sa product quality standard o pagsusuri man lamang ng National Meat Inspection Commission.

May tatak sa katawan ng karne na dumaan ito sa pagsusuri. Kung halos madurog na ang laman, mangitim-ngitim ang mga karne at may di-magandang amoy, pala­tandaan ito ng isang double dead na karne.

Kapag masyadong mababa ang presyo ng binibiling karne kumpara sa regular na presyuhan sa merkado, mag­ duda na kayo dahil siguradong double dead o botya ito.

Kalimitang itinitinda ang mga murang karne na double dead kung hatinggabi hanggang madaling araw.

Ito ‘yung tinatawag na night market kung saan tulog ang mga operatibang pulis at maging ang NMIC.

Sa oras na ito naipupuslit ng mga walang pakunda­ngang negosyanteng tindero’t tindera ang kanilang murang-murang double dead at nabubulok na karne. Hu­mihilik pa si bantay kasi.

Kaya naman hindi inirerekomenda ng BITAG na mamili ng mga pagkain sa oras ng night market dahil mura nga, sigurado namang yari ang iyong kalusugan.

Dalawa lamang ang iyong pamimilian, gusto mo ba ng botya o mga nabubulok ng karne ng iyong pabo­ritong baboy, manok, o baka?

Hindi bale ng hindi makamura ng halaga sa bilihin kesa naman mapamura ka sa sakit na tatama sa kalusugan ng iyong pamilya buhat ng pagtitipid.

DALAWA

DISYEMBRE

HESUS

HU

KALIMITANG

KARNE

NATIONAL MEAT INSPECTION COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with