^

PSN Opinyon

Media puwedeng iposas, Ampatuan hindi

- Al G. Pedroche -

WALA akong “masamang tinapay” sa Philippine National Police. Hindi ko lang mapigilang magtaka sa mga pang­yayari. Tila walang standard na paraan ang PNP sa pag-aresto ng mga pinaghihinalaang kriminal. Ibig kong sabihin – tila iba ang proseso kapag ang dinarakip ay impluwensyal na political figure kaysa ordinaryong suspek sa isang maliit na krimen.

Halimbawa, nang unang dalhin sa Maynila si Datu Unsay Mayor Andal Amaptuan Jr. na suspek sa Maguin­danao Massacre: Hindi siya nakaposas. Kaya ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin, “ito ba’y dahil masa­salapi, makapangyarihan at impluwensyal ang mga Ampatuan at malaki ang naitulong sa nakaupong lider ng bansang ito?”

Mag-isip man ng ganyan ang maliliit na mamamayan, hindi sila masisisi. Sariwa pa sa ating alaala ang Makati siege noong 2007 na pinamunuan noon nina Senador Antonio Trillanes at Brig. General Danilo Lim. Pati ang mga journalists na kumo-cover ay inaresto at pinosasan na animo’y mga common criminals. At kamakailan lang, may mga student demonstrators sa campus ng UP na nag-rally laban kay Presidente Arroyo na pinosasan din ng mga pulis at yung iba’y nagreklamo pa na binugbog ng mga tagapagpatupad ng batas.

Maaaring may “balidong” dahilan ang mga tagapag­patupad ng batas kung bakit pati mga mamamahayag at mga student demonstrators ay pinosasan. Ganyan talaga kapag gumagawa ng pag-aresto.

Pero malaking katanungan kung bakit si Ampatuan Jr. ay inieskortan lang ng mga alagad ng batas at walang posas. Sa­bagay, tila umuusad naman ang proseso ng hustisya ngunit nakikita natin ang tangka ng mga Ampa­tuan na gawing pabor sa kanila ang situwasyon. Kinukuwestyon nila ang pag-iral ng state of emergency sa Maguindanao sa Mataas na Hukuman at ang mga abogado ni Ampatuan Jr. ay nagpepetisyon para makapagpiyansa ang ka­nilang kliyente na nahaharap sa isang non-bailable crime. Okay lang iyan dahil ang lahat ay may karapatan sa due process.

Ang masasabi ko lang, naka­tutok ang mata ng taumbayan sa kasong iyan. Ano mang indikasyon ng kawalang hustisya ay tiyak na papalagan ng bayan. At dahil ito ay pinakamalalang kaso ng ma­ramihang pagpatay sa mge kagawad ng media, lalo lamang itong dapat ikondena dahil maliwanag itong pagsupil sa kalayaan ng pamamahayag.

Sabi nga ni Bro. Eddie Villa­nueva, presidential bet ng Bangon Pilipinas Party: 

“This is a case of a one-time-big-time assault against the press of which the crippling effects to our community press in Mindanao could never be reversed.

“Just so justice would not elude us again, Bangon Pilipinas will continue to call for public vigilance on the ongoing investigations,” dagdag niya.

AMPATUAN JR.

BANGON PILIPINAS

BANGON PILIPINAS PARTY

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMAPTUAN JR.

EDDIE VILLA

GENERAL DANILO LIM

MANG GUSTIN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with