^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kawawa ang mga mamamahayag

-

NOW it can be told, lubhang delikado at nagiging kaawa-awa ang kalagayan ng mga mamamahayag sa bansang ito. Sa pagtupad ng tungkulin na maihatid ang mga nangyayari, nasusuong sila sa panganib at ang kinahahantungan ay ang kanilang sariling hukay. Karaniwang mga mamamahayag ng regional newspaper ang nahaharap sa ganito kahirap na sitwasyon. Marami nang mamamahayag sa probinsiya ang inam­bus at napatay at hanggang sa kasalukuyan, karami­han sa kanila ay hindi pa nakakakamit ng hustisya. Paano nga ba makakakamit ng hustisya ang mga kawa­wang mamamahayag gayung ang gobyer­no ay hindi sinsero sa pagbibigay ng protek­siyon sa mga ito? Dati, ang Iraq at Afghanistan ang pinaka-delikadong lugar para sa mga mamamahayag pero ngayon, ang Pilipinas na ang nakakakuha ng taguring ‘yan. Pina­ lubha nang nangyari sa Maguinda­nao noong Nob­yembre 23 kung saan 30 mamamaha­yag ang karumal-dumal na pinatay. Kasama ang mga mamama­hayag sa convoy ng mga kaanak ng puliti­kong magpa-file ng certificate of candidacy nang harangin ng may 100 armado na pinaniniwalaang tauhan ng kalabang pulitiko. Sa isang iglap, nawala sa landas ang 30 ma­mamahayag at walang anumang nalibing sa hukay. Ngayon, marami ang nababahala na masu­sundan pa ang mga pagpatay sa mga ma­mamahayag. Maski ang United Nation Secretary-General na si Ban Ki-moon ay nagpahiwatig na masu­sun­dan pa ang pag-atake sa mga mamamahayag. Wala raw dapat gawin ang pamahalaang Arroyo kundi lutasin ang kaso at protek­siyunan ang mga mama­mahayag.

Totoo ang kasabihang ang kalahating katawan ng mga mamamahayag ay nasa hukay. Delikado ang ka­nilang kalagayan lalo pa nga’t nasa isang lugar na ka­tulad ng Mindanao na ang mga pulitiko ay angkan-angkan at sila-sila ang naglalaban. Ang mga puliti­kong ito na may mga sari-sariling hukbo ng mga sandatahang tagasunod ay pawang nakahanda para protektahan ang kanilang sarili. Hindi sila magpapa­talo at handang makipagpatayan sa kalabang angkan para mapanatili ang paghahari sa lugar. Sa awayan ng mga pulitiko ang mga mamamahayag ang naiipit at naililibing sa hukay.

Sabi nga ng publisher ng Periodico Ini na si Ronald Mascardo na nakabase sa Mindanao, kapag umaalis siya ng bahay para magtungo sa kanyang pahaya­gang pinagtatrabahuan, 50-50 ang tsansa na maka­uwi siya nang buhay sa kanilang bahay. Sa nangya­ring Maguindanao massacre, limang staffer ng kan­yang diyaryo ang nalagas. Sabi ni Mascardo, isa raw sana siya sa napatay kung hindi nagbago ang kan­yang desisyon na huwag sumama sa convoy.

Ganyan kadelikado at kaawa-awa ang kalagayan ng mga mamamahayag.

vuukle comment

BAN KI

DATI

MAMAMAHAYAG

MINDANAO

PERIODICO INI

RONALD MASCARDO

SABI

SHY

UNITED NATION SECRETARY-GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with