^

PSN Opinyon

Don Quijote sa BoC

- Al G. Pedroche -

MATAPOS ang mahigit tatlong dekada, ayaw nang mag­bayad ng overtime pay ang mga foreign airline, kasama ang  Philippine Airlines (PAL),  sa mga tauhan ng Customs. 

Natural, apektado ang mga kawani ng Bureau of Immigration and Deportation at Bureau of Quarantine na kailangang magtrabaho mula alas 5 ng hapon hanggang kinabukasan. Ayon sa batas, hindi maaring obligahing magtrabaho ang mga government employees ng mahigit 8 oras o mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.

 Iyan ang pinagmulan ng bangayan ngayon nina airport collector Carlos “Ding” So at ng Board of Airline Representatives (BAR) at PAL.  Ipinoprotesta ni So ang aniya’y hindi makatarungan at biglaang pagtanggi ng BAR at PAL sa pagbayad ng overtime ng mga tauhan ng tatlong kawanihan.

 Nagsimula ang alitan nang hilingin ng pamahalaan na i-adjust nang pataas ang basehan ng palitan ng dolyar kontra piso na ginagamit ng mga airline company. Nais kasi ng gobyerno na gamitin ang kasalukuyang exchange rate sa pag-compute ng overtime pay. Kasi naman, man­takin ninyo na ang exchange rate na gustong patuloy na gamitin ng mga airlines ay P25 sa isang dolyar — ang rate noong panahon pa ni Lola Basyang!  Ano iyan, gula­ngan?

Matindi ang pagtutol ng BAR at idinulog pa nila ito sa korte matapos silang barahin ng Office of the President. Sinusuwerte pa rin sila at pinaboran ang kanilang po­sisyon kahit sa tingin ng marami ay dispalinghado ang disisyon ng Court of Appeals.

Ito ang ipinaglalaban ni So sa inihaing motion for reconsideration. Inirerekla­mo din ni So ang biglang pagtigil ng BAR sa pagba­yad ng overtime pay base lamang sa disisyon ng CA na puwede pang iapela hang­gang sa Supreme Court.  Sabi nga ni So, hin­ di pa final at executory ang desis­yon, ba­kit nagkakan­dara­pang gus­tong ipairal agad ng BAR yung pasya ng CA?

May balitang kamaka­-ilan ay pumayag na ang mga dayuhang airline na mag­ba­yad na ng overtime. Pero eto ang siste — ang gusto lang nilang bayaran ay 50% ng kasalukuyan nilang ibina­bayad o P12.50 kada dol­yar. Parang tala­gang nang-aasar kaya ku­mukulo na naman ang ku­kote ni Collector So sa ga­waing ito ng mga maka­pangyarihang airline.

Ang nakapagtataka ay kung bakit dito sa ating bansa lang sila umaangal samantalang sa Estados Unidos, Hongkong, Singa­pore at iba pang bansa, ta­meme sila at sinusunod ang mga patakaran doon na katulad din ng sa Pili­pinas.

 Kaya kahit mabigat ang kalaban, sana’y huwag bu­migay si So na nabansagan nang makabagong Don Qui­jote. So-gud, mga kapatid!. 

BOARD OF AIRLINE

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

BUREAU OF QUARANTINE

COLLECTOR SO

COURT OF APPEALS

DON QUI

ESTADOS UNIDOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with