^

PSN Opinyon

BIR Commissioner nagbitiw

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

 (Part 1)

NILIGPIT na ni BIR Commissioner Sixto Esquivias 1V ang kanyang mga gamit sa bureau matapos itong magpadala ng resignation letter kay Prez Gloria Macapagal Arroyo the other week.

Sabi nga, secret ang resignation letter!

Hindi dahil sa revenue collection na bagsak ng billion of pesos ang dahilan ng pag-alis ni Sixto sa BIR kundi ito ay dahil sa multi-billion contract deal na itinutulak ng bugok na opisyal ng government of the Philippines my Philippines na matakaw sa pitsa.

Pilit kasing pinapipirma si Sixto sa isang kontrata para mamonitor daw ang sin taxes na gustong ipatupad ng pamahalaan ni Gloria para itulong umano sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng ayaw pirmahan ni Esquivias ang contract ay ipinasa ito sa isang opisyal ng BIR na napakatakaw sa pera sa pag-aakala ng mga gago na kakagatin ito pero nagkamali ang mga kamote dahil hindi rin pumayag pirmahan ito ng ganid. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maiiskadalo daw ang mga pipirma dito kasi nga masiadong ma-anomaly ang contract.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang strip stamp security project ay naikasa na sa erpat ng isang Cabinet member ni Gloria ng bumisita ang huli sa Switzerland ng dumalo ito sa World Economic Forum.

Kasama ang matandang erpat ng Gabinete ng magtungo sila sa nasabing lugar na uugud-ugod pa sa paglalakad. Hehehe!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kontrata ay binigyan basbas ng National Economic and Development Authority pero ito daw ay puno ng ka­ lokohan.

Ang BIR ay nakipag-negotiate sa SICPA Product Security at isang Swiss company para lagyan ng full proof strip stamp technology ang mga kompanya ng yosi at alak.

Ang project ay nasa Build-Operate-transfer scheme kaya sa ilalim ng scheme na ito ang government of the Republic of the Philippines my Philippines ay dehins maglalabas ng kahit singkong duling na pera.

Tama ba, Secretary Teves, Your Honor?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto daw ng SICPA na magbigay ng P2 billion para sa equipment na ilalagay nila sa lahat ng kompanya ng yosi at alak.

‘Kakapusin ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

Tumataas na krimen ’di masugpo ng NCRPO

THE other day tinira ng mga gago si Ruben Chua and family matapos niyang sunduin ang mga ito sa NAIA.

Niratrat ang sakay ng kotse walang pinatawad pero buhay sila ang problema ay si Ruben dahil agaw buhay pa ito at nangangailangan ng dugo.

Dalawang tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Ruben pero ang waswit nito, anak at mother in law ay ligtas pero nabaril din sila.

Magpapasko kaya maraming kriminal na natulog na noon ang nagising dahil sa gutom at hirap ng pitsa kaya ang mada­ling paraan na naisip nila ay mangholdap at kidnapping.

Kawawa ang mga naging biktima dito remember ng birahin ng Alvin Flores gang ang Greenbelt 5 sa Makati.  Pasalamat tayo kina Chief PNP Jess Verzosa at NBI Nestor Mantaring dahil mabagsik pa sa leon ang kanilang ginawang bagong task force intel.

Dedbol si Alvin at mga kasamahan niya sa Cebu naihabol sa undas. Hehehe!

Kung hindi kikilos ang NCRPO o patulug-tulog sa pansitan tiyak dadami ang krimen sa Manila.

ALVIN FLORES

CHIEF KUWAGO

COMMISSIONER SIXTO ESQUIVIAS

HEHEHE

JESS VERZOSA

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

NESTOR MANTARING

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with