^

PSN Opinyon

Poder ng MMDA traffic enforcers

SAPOL - Jarius Bondoc -

KLARUHIN muna natin kung ano ang poder ng MMDA traf­fic enforcers. Kapag nilabag nila ang anuman sa mga sumusunod, isumbong sa Metro Base Inspectorate — 0920-9389861 o 0920-9389875 — miski habang sinisita pa lang. Kung kinikikilan ka, magpapadala agad sila ng inspectors.

(1) Bawal magkumpol-kumpol ang MMDA traffic enforcers para manghuli. Ni hindi maaring tumayong magka­tabi miski dalawa lang, lalo na kung mahigit. Maari lang sila maggrupo kung may special operations, tulad ng paghuli sa mga smoke-belching na bus at jeepney.

(2) Ang swerving ay hindi traffic violation. Hindi swerving ang lumipat mula sa anomang lane patungo sa katabing lane, at hindi ito bawal. Pero dapat sumenyas muna. Kapag matulin kang lumipat nang dalawa o mahigit na lanes, maari kang tiketan. Pero dapat ipaliwanag kung nailagay mo sa panganib ang ibang sasakyan.

(3) Para sa bus lang ang yellow lane. Titiketan ang pri­vate vehicles na gagamit nito. Pero tandaan, bawal lumabas ang bus sa yellow lane. Kaya kung tiniketan ka pero hindi ang lumalabag na bus, maari kang umangal na selective apprehension ang ginagawa nila.

(4) Hindi maaaring kumpiskahin ang driver’s license kung sinisita. Kinukuha lang ang lisensiya kapag sangkot ang sasakyan sa banggaan o sagasaan, o kaya’y ikat­long violation na ng driver pero hindi pa siya nagbabayad ng mga naunang multa. Maari lang mag-isyu ng tiket ang traffic enforcers, at maari mo naman itong kuwestiyunin. Depende sa sitwasyon, ma­buti pang tanggapin agad ang tiket para makuha ang pangalan ng enforcer.

(5) May karapatan kang magtanong kung merong mission order ang enforcer. Dapat pirmado ito ng supervisor. Kapag sinita ka sa isang violation pero hindi ‘yon ang mission order nila sa araw na ‘yon, i-report sila sa Metro Base para madisiplina.

Gupitin ito at itago sa glove compartment.

vuukle comment

BAWAL

DAPAT

GUPITIN

KAPAG

KUNG

MAARI

METRO BASE

METRO BASE INSPECTORATE

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with