^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Pagkatapos ng trahedya, pagtuturuan naman

-

KAILANGANG iligtas ang sarili para hindi maka­suhan sa malagim na pangyayari. Ganyan ang nangyayari pagkatapos ng trahedya. Yung mga ta­ong sangkot sa nangyaring trahedya ay kanya-kanyang lusot. Kanya-kanyang turo. Bahala na kung ano ang kalabasan basta mailibre lang ang sarili at hindi maparusahan. Karaniwan nang ganito ang nangyayari sa Pilipinas pagkatapos ang malalagim na insidente.

Katulad na lamang nang nangyaring pagbaha sa maraming probinsiya sa hilagang Luzon na ang sinisisi ay ang pagpapakawala ng tubig sa San Ro­que Dam. Grabeng naakpektuhan ang Pangasi­nan kung saan maraming ari-arian ang napinsala. Ang mga tulay ay nahati at ang mga kalsada ay nabu­ra. Mara­ming tao ang nagulat nang biglang tumaas ang tubig. Karamihan ay nagpuntahan sa bubong ng kanilang mga bahay para hindi matangay ng agos. Kaila­ngang gumamit ng rubber boats at helicopter para mailig­tas ang naipit sa rumaragasang agos. Ang sinisisi sa biglang pagbaha sa maraming bayan ay ang bigla-bigla at walang babalang pagpapakawala ng tubig sa San Roque Dam.

Kamakalawa, ipinatawag ng Senado ang mga opisyal ng San Roque Power Corporation at Natio­nal Power Corporation (Napocor) para pagpaliwa­na­gin sa pagbaha na ang dahilan ay ang walang ba­balang pagpapakawala ng tubig. Nakatikim ng mura mula sa mga senador ang mga opisyal ng dalawang ahensiya. Pero balewala ang galit ng mga senador sapagkat wala rin namang napala kahit na pina­ta­wag ang mga opisyal ng San Roque Dam at Napo­cor. Wala ring kina­hinatnan. Parang agos lang ng tubig na nawala rin.

Nagturuan ang mga opisyal ng dalawang ahen­siya. Iniligtas lang ang kanilang sarili. Walang may kasalanan. Pero matibay ang paniniwala na kaya nag­karoon ng grabeng baha ay dahil nga walang ba­bala na magpapakawala ng tubig. Sinabi ni Panga­sinan Gov. Amado Espino na nakatanggap lamang sila ng abiso sa San Roque Dam na magpapakawala ng tubig habang nasa kasagsagan na ang pag-ulan at umaapaw na ang tubig sa kanyang probinsiya. Kung kailan puno na ng tubig ang probinsiya saka ipapas­yang buksan ang dam. Ang resulta, nalubog ang probinsiya. Maski ang mga lugar na hindi binabaha ay nalubog.

Dapat pang laliman ng Senado ang imbestigas­yon sa pangyayari para malaman kung sino ang tunay na may kasalanan. Hindi ito dapat mabalewala at baka maulit na naman ang nangyaring pagbaha.

AMADO ESPINO

PERO

POWER CORPORATION

SAN RO

SAN ROQUE DAM

SAN ROQUE POWER CORPORATION

SENADO

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with