ENIT seminar
ISANG basic course seminar para sa Etheric Nerve Therapy ang gaganapin mula Oktubre 12 to14 dyan sa 1-A Bouganvilla St., corner Balete Drive, New Manila QC.
Ang sino man na gustong matuto sa nerve massage ay maaring magpunta dito at magpatala.
P1,500 ang bayad sa nasabing seminar at maaring makipag-ugnayan kay Nini sa telepono 415-15-73 o584-5208.
Ano pa nginanganga ninyo enroll na!
Bagyo alis, sakit pasok sa RP
SANA huwag matuloy ang isa pang malaking problema na dinulot ng mga kamoteng bagyong Ondoy at Pepeng sa Philippines my Philippines na sumira ng billion halaga ng mga ari-arian at pumatay ng daan-daan Pinoy.
Sabi nga sakit!
Dahil sa iniwan dumi, putik na tiyak alikabok, basura at iba pang nakakadismayang mga bagay at mabahong tubig baha tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na baka hindi ordinary sick ang maranasan ng madlang people.
Kaya nga, INGAT!
UPIS basketball open tryout
TINATAWAGAN ang lahat ng mga interested student na gustong maglaro ng basketball sa University of the Philippines Integrated School.
Qualification-incoming 1st year or 2nd years next year.
Sabi nga, 2010!
Kailangan 5’10 pataas.
Ang mga lucky guy na makukuha sa basketball tryout ay may pag-asang makalaro sa 73rd UAAP basketball tournament.
Sa mga gustong mag-tryout pero hindi kualipikado sa mga kualipikasyon nasabi sa itaas huwag na kayong mag-aksaya ng panahon.
Sabi, salamat!
UN napanganga sa RP
Napabilib ng gobyerno ang United Nations sa ipinamalas na bilis sa pag-rescue at paghahatid ng relief operations sa mga lugar na apektado ng bagyong Ondoy.
Sa pahayag kahapon ni Dr. Jacqueline Badcock, UN resident representative sa idinaos na Manila Flash Appeal, binigyang-diin nito ang nanaig na pambansang pagkakaisa mula sa pinakamataas na antas ng gobyerno hanggang sa iba’t ibang komunidad ay inspirational. “The sense of national unity, from the highest levels of government to village communities, has been inspirational” ika nya.
Sinegundahan naman ni Anne Veneman, executive director ng UN Children’s Fund ang obserbasyon ng kinatawan ng UN at nagpahayag na ang naging aksyon ng gobyerno ay dapat purihin dahil na lamang sa napakaraming tao sa magkakahiwalay na lokasyon na apektado sa magkakasabay na panahon ang natugunan.
Labis namang pinasalamatan ni Defense Secretary at tuma tayong chairman ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), Gilbert ‘GIBO’ Teodoro, ang pagkabilib na ipinaabot ng dayuhang organisasyon, gayundin ang kagyat na suportang ibinigay.
Ang Flash Appeal ay pormal na inilunsad sa Geneva ay naglalayong makalikom ng US$74 milyong halaga ng tulong mula sa international community upang agarang matulungan ang tinatayang isang milyong taong labis na apektado ng nagdaang bagyo.
“Humanitarian assistance was also quick to arrive, from government departments and agencies, non-governmental organizations and private individuals...All this has been underpinned with a remarkable sense of volunteerism and solidarity,”dagdag pa ni Badcock
Tinuran di niya na bagamat mabilis at determinado ang ginawang pagkilos ng pamahalaan, ang lawak ng pinsala ay hindi naantisipa kung kayat nabigla din ang mga lokal na pamahalaan.
Kaya naman din minadali ng UN ang panawagan sa pagtulong matapos na maglabas ang UN Disaster Assessment and Coordination Team ng rapid assessment sa pagbaha na dulot ni Ondoy.
- Latest
- Trending



















