^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Corrupt na naman sa Department of Agriculture

-

NASA kontrobersiya na naman ang Department of Agriculture at tila mahihirapan nang makaahon ang tanggapang ito sa kumunoy ng katiwalian. Sariwa pa at hindi nalilimutan ang bilyong pisong fertilizer scam ni dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante ay meron na namang bagong isyu sa isang agriculture under­secretary na kumamal ng milyong piso sa kickbak at commissions sa proyektong farm- to-market road.

Kung ang isyu kay Bolante ay tungkol sa over-priced na fertilizer, sa inirereklamong agriculture usec naman ay tungkol sa kaniyang milyong kickback para sa pagpapagawa ng mga kalsada sa kana­yunan. Magkakaron na ng kalsada sa mga nayon para madaling mailalabas ng mga magsasaka ang kanilang aning produkto. Pero hindi nangyari ang proyekto sapagkat nagkaroon na ng hokus-pokus. Nawala na ang inaasahan ng mga magsasaka na magkakaroon na ng kalsadang madadaanan para madaling mailuwas sa bayan ang mga aning palay, mais, gulay, bungangkahoy, camote, saging at ma­rami pang iba.

Ayon sa mga senador, ang agriculture usec umano ang “pinaka-corrupt na opisyal sa Department of Agriculture”. Pinakamatinding mangurakot ang opisyal na siguro’y mas mabangis pa kaysa kay Bolante. Si Bolante, ay nagtago sa US makaraan ang 2004 elections at ngayong taon lang bumalik sa bansa.

Sabi ni Agriculture Sec. Arthur Yap na hindi niya palalampasin ang ginagawa ng kanyang mga tauhan. Pinayuhan niya ang mga senador na sam­pahan ng kaso ang corrupt usec at siya ang magpa­pasimula sa imbestigasyon. Ganoon man, hindi sinabi ni Yap kung ano ang pangalan ng corrupt official. Unfair daw sa opisyal kung sasabihin ang pangalan gayung wala pang kaso na nakasampa laban dito. Umano’y malapit sa isang personalidad sa Malacañang ang agriculture usec kaya naka-kickback nang malaki sa farm-to-market road projects.

Dapat ngang kasuhan ang Agriculture usec. Ipa­kita ng gobyerno na may ngipin ang batas. Hin­di dapat ipagwalambahala ang kontrobersiyang ito.

AGRICULTURE

AGRICULTURE SEC

ARTHUR YAP

AYON

BOLANTE

DAPAT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

SHY

SI BOLANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with