^

PSN Opinyon

Lalaki at babae, pinag-isa ng Diyos

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NAPAKAGANDA ng mga paalaala na simula pa nang lalangin ng Diyos ang lalaki ay nilalang din ang babae na laman ng kanyang laman at buto ng kanyang buto upang sila ay maging magkasama at magkatulong habang buhay. Iiwan na ng lalaki ang kanyang ama at ina at sila ay magiging isa ng babae na kanyang asawa. Sila’y babasbasan ng Poon magpakailanman. May the Lord bless us all the days of our lives!

Kaya’t ang paghihiwalay ay wala sa plano ng Diyos. Maging si Hesus ang nagbigay sa atin ng katibayan ng pag-iisang dibdib: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Sa Lumang Tipan ay doon natin na­laman na pinahintulutan ni Moises ang paghihiwalay “dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda      ang utos na ito”. Kaya’t ang pag-aasawa ay hindi la-mang pag­paparaos ng init ng katawan kundi isang mis­yon upang ipa­laganap ang kabanalan at kadakilaan ng babae at lalaki.

Ang pag-aasawa ay tunay at banal na pag-uugna-    yan ng dalawang sexes. Sa lahat ng papeles na ating pinipir­mahan ay ang una nating sinasagutan ay ang tanong na sex. At dadalawa doon ang ating pamimilian M (male) o F (female). Maging sa papeles ng kasal at ganun din ang ating sinasagutan. Kaya’t dadalawa lamang ang sexes na nilikha ng Diyos. Ang salitang sexual ay nangangahu­lugan na ano ba ang gawain ng babae at lalaki. Ang salitang latin na “inter” ang ibig sabihin ay with or among at ang salitang “cursus” ay layunin.

Ito ay katumbas ng mga mag-aaral sa kolehiyo na meron silang lahat ng course o layunin. Kaya’t pag nagta­nong tayo sa mga mag-aaral: Anong course ang sagot nila ay gusto ko pong maging:  Pari, doctor abogado, guro, inhenyero, dentista, nars, at marami pang iba. Kaya’t ang pag-uugnay ng lalaki at babae sa kasal ay meron silang layunin na katulong ng Diyos upang lumikha ng buhay ang bata.

Kaya’t ang pag-aasawa ay may Misyon at Kaba­nalan. San Francisco ng Asissi, ipanalangin mo kami.

Gn 2:18-24; Salmo 128; Heb 2:0-11 at Mk 10:2-12

ANONG

DIYOS

KAYA

MAY THE LORD

PAG

SA LUMANG TIPAN

SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with