^

PSN Opinyon

Speedboat Ate Glue, hindi LRT

- Roy Señeres -

SI Ate Glue ay walang clue kung ano ang nararapat gawin para matulungan ang mga mamamayan noong Sabado habang rumaragasa ang bagyong Ondoy. Ma-buti pa si Richard Gutierrez na nakaisip kumuha ng    speedboat para ma-rescue si Cristine Reyes at pamilya na nasa bubong na noon ng kanilang binahang bahay. Mayroon ding isang judge na gumamit ng kanyang jet-ski at nag-rescue isa-isa nang humigit kumulang 30 katao bata at matanda, na nagmuntik-muntikan na sanang la­munin ng baha. Pero si Ate Glue, ang naturingang pre­sidente ng bansa, bagama’t ito’y may malaking question mark pa dahil sa eskandalong “Hello Garci” ay ‘alang kaclue-clue kung ano ang gagawin. Sa halip na humatak nang maraming speedboat at jetski o mga motorized bangka para isa-isang tulungan ang mga nasalanta ng baha, siya, at kanyang mga alipores ay sumakay ng LRT. Ngek! Sabi ng mga apo ko na si Brandon at Kelsey. 

Ayon sa banner story ng September 28 issue ng business daily na BusinessWorld, which quoted a certain     Think-Tank, wala raw tayong maaasahan sa isang rehi-men na ang focus at expertise ay graft and corruption o pangungurakot sa halip na tunay na paglilingkod sa bayan at mamamayan. Ang BusinessWorld ay isang respeta-   dong business broadsheet na pinangungunahan ni Raul Locsin bilang publisher at Vergel Santos bilang editor-          in-chief. Ito’y hindi tabloid na anything goes. Kaya tila pati ang mga intelektwal ay kilalang-kilala na si Ate Glue at ang kanyang rehimen na ubod ng tiwali at inutil. 

At saan naman itong naturingang First Gentleman     kuno na si Mike Arroyo. Wala man lang tayong narinig          na mga mensahe ng pakikiramay o di kaya donasyon ng mga luma niyang damit o briefs. Saan kayang lupalop ng daigdig nagpapakasa-rap ng buhay ang butiting mamang ito. Umuwi ka rito hoy at tumu­long mag-repack ng mga donasyon       sa mga biktima ni Ondoy. Kung hindi n’yo pa nara­ramdaman, may bulkan na nagbabadyang pumutok.   At sa halip na apoy ng bul­kan ang sa­sabog sa mga mukha n’yo, tubig at putik na dulot ni Ondoy at galit  ng sam­bayanang Pilipino ang tatama sa mga pa­nga­nga­ta­wan n’yo. Isang brotherly ad­vise from Amba...     jet plane ang sakyan n’yo habang kayo ay umies-kapo, hindi LRT.

ATE GLUE

CRISTINE REYES

FIRST GENTLEMAN

HELLO GARCI

MIKE ARROYO

ONDOY

RAUL LOCSIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with