^

PSN Opinyon

Magbigay ng tunay na serbisyo sa bayan

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

MAY mga halal na opisyal sa bansa na patuloy sa kanilang bulok na istilong puro pag-iingay at paninira lang ang inaasikaso sa halip na magserbisyo at gumawa ng mga bagay na makatutulong sa mga mamamayan laluna sa naghihirap na masa.

Dahil dito, nagsisisi ang ating mga kababayan kung bakit ibinoto pa nila ang mga walang silbing pulitiko na ito.

Kasi nga naman, ang dami-daming problema ng ating bansa: nariyan ang kakulangan sa trabaho, kahirapan, kagutuman, pero ang inaatupag ng ilan ay ang pag-iimbento ng kuwento at pagbaluktot ng mga impormas-yon, at ilalahad pa nila ito bilang privilege speech daw pero halatang-halata naman na mayroon lang silang maitim na motibo.

Mabuti na lang at matalino ang mga Pilipino. Hindi paloloko ang taumbayan sa  ganitong mga bulok na pulitiko na matagal ding nagkunwaring oposisyon o fiscalizer, yun pala ay kasabwat ng kasalukuyang admi­nistrasyon sa desperado nitong panggigigil na sirain ang tunay na oposisyon.  

Samantala, patuloy namang dumarami ang nagsa­sabing natutuwa sila sa napakagandang performance ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada dahil bukod sa kasipagan niya ay puro makabuluhan pa ang kanyang mga sinasabi at ginagawa laluna para sa lehislasyon.  

Sinasabi rin nila na nagpapasamat sila sa katangi-tanging serbisyo-publiko ni Jinggoy sa kanyang pagiging chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Deve­lopment at ng joint Con­gres­sional Oversight Committee on Labor and Employment, kung saan ay mara­ming mga manggagawa parti­kular ang mga OFW ang kanyang na-tu­tulungan. Ang matalas na pagma­ma­sid at pagsusuri ng ating mga kababayan ang tuwi­nang nagiging basehan nila sa pagtukoy kay Jinggoy bilang “number 1 senator”. Kaya naman lalo pang pinag­huhusay ni Jinggoy ang kan­yang pagseserbisyo.

vuukle comment

DAHIL

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVE

JINGGOY

KASI

LABOR AND EMPLOYMENT

OVERSIGHT COMMITTEE

SENATE COMMITTEE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with