^

PSN Opinyon

'Anak ng babaing askal' PO1 Michael Moratilla

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

(Last part)

MATAPOS ang eksenang karate chop, naging mahina-hon na si Col. Aganila ng CIDG-CIDD-NCR. Alam namin na ito ay resulta lamang ng kanyang pagod.

Samantala, etong kolokoy na hepe ng intelligence ng Hilltop na si Major Arthur Masunsong, na akala mo’y sunog na kapre sa unang tingin, sinungaling!

Tao niya sina PO2 Mario Natividad at PO1 Michael Moratillo na parehong nasa intelligence. Akala nitong ungas na si Masunsong, mabibilog niya ang BITAG.

Kaya naman binubuweltahan ko itong si kolokoy na hindi lang pangkaraniwang buwelta. Tatak BITAG, leng­guwaheng BITAG.

Hindi pa nakakatagpo itong masansang na si Maj. Masunsong ng kapareho ko, kaya’t pinatitikim ko sa kaniya ang kamandag ng kolum kong ito.

Sa lahat ng ayoko, ‘yung mga taong sinungaling na tulad nitong masansang na Major na si Masunsong.

Sasampahan ng CIDG-CIDD-NCR ng kasong kriminal ang dalawang dupang na gunggong na pulis na sina Natividad at Moratillo. Kasong carnapping, grave threat, robbery hold-up at rape ang kanilang kakaharapin.

Samantala, kasong administratibo naman ang isa­sampa ng Rizal Provincial Police ng Taytay sa ilalim ni Col. Ireneo Dordas.

Kamakalawa, bumalik sa aming tanggapan ang mag-asawang biktima. Ito’y upang ipaalam sa BITAG      na binuweltahan sila nitong dalawang hunghang na si PO2 Natividad at itong anak ng “babaeng asong kalye” na si PO1 Moratillo.

Kasong drug pushing ang isinampa ng dalawang sira-ulong lespu. Ang nakakata­ wa, “at- large” daw ‘yung mag-asawa.

Tinatawagan namin ng pansin si Department of In-terior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno upang panghimasu- kan na ang kasong ito.

Kasabay nito, tinatawa-gan din namin si Region IV-A Director Gen. Perfecto Palad, patigilin mo ang kataranta­duhan ng dalawang ulol mong pulis sa Hilltop.

At ikaw, anak ng “baba- ing askal” PO1 Michael Mo­ratillo at PO2 Mario Nativi-dad, ang mga pulis na kapa­reho niyo ay walang kara­patan na mag­suot ng uni­porme.

Sa kolum na ‘to, ipinagka­kaubaya na namin kayo sa mga nagtetext sa BITAG na mga “pogi” at mga “kaka” sa tabi-tabi at sa kanayunan.

Walang kinalaman ang BITAG kung kayo’y pagla-lapain ng mga nagpapaki-tang gilas sa pamamagitan ng kanilang mga text messages na nakikisimpatiya sa inyong biktima.

vuukle comment

A DIRECTOR GEN

IRENEO DORDAS

KASONG

LOCAL GOVERNMENT

MAJOR ARTHUR MASUNSONG

MARIO NATIVI

MASUNSONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with