^

PSN Opinyon

May diperensiya raw sa utak

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ni Boysie. Galing siya sa isang mayamang pamilya. Masyadong dominante ang tatay niya. Kahit pa mayaman, parang mga robot ang turing nito sa asawa at mga anak. Malapit si Boysie sa kanyang mga magulang. Nakaasa siya sa desisyon nila sa lahat ng bagay. Lagi siyang kinakawawa at hinahayaan lang niya na tapakan ng iba ang karapatan niya.

Kaya nang makilala niya si Gina at naging girlfriend, pumayag agad siyang pakasalan ang babae. Pinanin­digan nila ang pagiging mag-asawa kahit hindi naman sila nagsama sa iisang bahay. Nang maliwanagan si Boysie at maintindihan niya na kasing dominante ng ama si Gina, lagi na silang nag-aaway. Nabuwisit si Boysie at imbes komprontahin, iniwasan na lang niya ang babae. Matapos ang isang taon, hindi na nakikipagkita si Boysie kay Gina at imbes ay nakikipag-date na sa ibang babae. Doon siya nagsimulang makatanggap ng mga prank calls, tinatakot siya at pinatitigil sa pakikipagkita sa ibang babae dahil may asawa na raw siya. Noon lang nagka­malay si Boysie na ang kasal niya pala kay Gina ay hindi gawa-gawa lamang tulad ng kanyang inaasahan.

Nalilito at hindi malaman ang gagawin, tumakbo sa ina si Boysie at humingi ng tulong. Pinapunta naman siya nito sa abogado. Ang payo ng abogado, magpetisyon siya sa korte upang mapawalang-bisa ang kanyang kasal alinsunod sa batas (Art. 36 Family Code). Sinunod naman ito ni Boysie.

Sa paglilitis, isang psychological expert ang tumes-tigo para kay Boysie. Ang ulat ng eksperto sa korte, may “self defeating and depen- dent personality disorder”    daw ang lalaki dulot ng ma­gulong pamilyang pinag­mu-lan. Nahihi­rapan din daw si Boysie na makisama kay Gina dahil hindi nito naiintindihan ang konsepto ng pagkakaroon ng asawa at kahit kailan ay hindi na­man sila nagtalik ng babae. Ayon din sa eksperto, mas­yadong malubha ang dipe­­rensiya sa utak ng lalaki at taglay niya ito kahit noon pang bago siya magpaka­sal. Hindi na ito magaga­mot. Sapat na ba ang testi­monya ng eks­perto upang mapawalambisa ang kasal nina Boysie at Gina?

Oo, sapat na. Alinsunod   na rin sa batas (Art. 36 Fa­mily Code), dapat na ikon­sidera    ng korte sa mga desisyon nito ang mga ulat at opinyon ng mga eksperto pati na rin ang mga desis­yon ng simbahang Katolika. Sa kasong ito, ma­linaw na napatunayan ng testi­monya ng eksperto na ma­lubha na ang dependent personality disorder ni Boysie at malabo na magamot pa ito.

Ang tinatawag na “dependent personality disorder” ay isang uri ng sakit sa utak. Ang may ganitong sakit ay kinaki­kitaan ng kawalan ng kumpi­yansa sa sarili. Masyadong masunurin at hindi marunong magsalita para sa kanilang sarili. Matatakutin sila at ma­daling masaktan sa sina­sabi ng ibang tao sa kanila. Uma­asa sila sa desisyon ng iba. Hindi sila marunong ku­montra kahit alam nilang mali ang nagsasalita. Hindi sila maru­nong magkusa at takot na iwanan ng iba. Kung magta­trabaho man sila, yun traba­hong siguradong maaawa ang iba. Nakuha nila ito mula pag­kabata at dala na hanggang sa pagtanda. Mahirap pakisama­han ang taong may ganitong sakit sa utak. Hindi nila alam kung paano nila gagawin ang obligasyon nila bilang asawa. Sa kaso nina Boysie at Gina, nararapat lamang na ipawa­lambisa ang kanilang kasal (Halili vs. Halili and Republic, G.R. 1654254, June 9, 2009).

BOYSIE

FAMILY CODE

GINA

HALILI AND REPUBLIC

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with