^

PSN Opinyon

Anong isda ang safe kainin? (Basahin ito!)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

NARINIG na ba ninyo ang issue tungkol kay KC Concep­cion? Mahilig siya sa isda kaya raw nagkaroon siya ng mercury poisoning na nakaapekto sa kanyang mata.

Ang mercury ay nakukuha ng isda sa polusyon sa tubig. Masama sa ating katawan ang isda na may mercury dahil nakasisira ito ng utak at kidneys. Ang sintomas nito ay ang pamamanhid ng mga kamay at paa.

May mga guidelines na inilabas sa America tungkol sa limitasyon sa pagkain ng isda. Sundin natin ito.

A. Mga safe na isda: Maaaring kumain ng 2-3 beses (o servings) bawat linggo. Ang bawat serving ng isda ay may timbang na 180 grams o 6 ounces.

1. Samaral

2. Dilis (anchovies)

3. Hito (catfish)

4. Galunggong (mackerel)

5. Salmon

6. Tilapia

7. Mababa sa mercury ang hipon, pusit at alimango.

8. Bangus (milkfish) ay safe din pero mas mataas ang mercury levels kumpara sa ibang nakalista dito.

B. Medyo bawasan ang pagkain: Kumain lamang ng 1-2 beses (o servings) bawat linggo. Ang bawat serving ay may timbang na 180 grams o 6 ounces.

1. Banak (mullet)

2. Tamban

3. Maya-maya (snapper)

4. Nakalatang tuna (Canned light tuna)

C. Mag-ingat sa pagkain: Pinakamarami ay kumain lamang ng 3 beses (o servings) sa isang buwan.

1. Tuna fresh at sashimi

2. Lapu-lapu (grouper)

3. Sea Bass

D. Huwag kainin ito da­hil mataas sa mercury: Marlin, Tuna (Ahi), Swordfish at Pating (Shark).

Dagdag tips sa pag­kain ng isda:

1. Piliin ang maliliit na isda dahil mas bata pa sila at hindi pa nakakakuha ng mercury sa katawan. Ang isdang wala pang 12 inches ay mas safe.

2. Kumain na lang ng gu-lay, prutas at manok. Mas safe iyan.

3. Importante: Ang mga buntis at sanggol ay sen­sitibo sa epekto ng mercury.  Mas bawasan pa ang pag­kain ng isda.

Maganda naman ang isda sa katawan pero kaila­ngan piliin ang mas safe na isda. Good luck po!

vuukle comment

BANGUS

CONCEP

DAGDAG

GALUNGGONG

HITO

HUWAG

ISDA

KUMAIN

MERCURY

SEA BASS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with