^

PSN Opinyon

'Anak ng babaing askal' PO1 Michael Moratilla (1)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA kolum na’to, agad tumugon sa pamamagitan ng ma­bilisang pag-aksiyon si Region IV-A Director Gen. Perfecto Palad.

Hinggil ito sa kaso ng panghu-hulidap at pangga­gahasa sa isang ginang na kinasangkutan ng dalawang pulis Hilltop, Taytay, Rizal.

Matatandaan noong Biyernes, sa kolum na’to na may pamagat “Region IV-A Director Gen. Perfecto Palad, Humanda Ka!”, sadya namin siyang niyanig upang mai­wasan ang pagtatakipan.

Layunin namin na agarang matukoy ang mga suspek na pulis sa kasong ito. Kaya naman nagkaroon ng ko­munikasyon si General Palad sa tanggapan ni       Col. Erick­son Velasquez, hepe ng CIDG-CIDD ng Campo Crame na naunang nagsagawa ng entrapment operation sa mga gagong pulis.

Hindi nagtagumpay ang entrapment operation sa abutan ng perang hinihingi ng dalawang suspek na nagkakahalaga ng P20,000 sa kabila ng matapos gaha­sain ng isa sa mga suspek ang misis ng biktima.

Lunes ng hapon, sa hindi inaasahan ng CIDG-CIDD at BITAG, nagkaroon ng “break” ang kasong ito. Hindi na namin ito idedetalye pa.

May paniwala ang BITAG na nakuha ng CIDG-    CIDD ang pangalan ng isa sa mga tarantadong putok sa buhong mga suspek na pulis dahil sa “pressure” ng kolum na’to at nang matapos itong maipalabas sa BI-TAG sa IBC 13.

Kaya naman may retrato na ang CIDG-CIDD sa unang suspek na si PO2 Marlon Natividad nitong nakaraang Lunes matapos kaming mapasugod dahil sa “break” ng kasong ito.

May paniwala rin ang BI­TAG na nagkabukingan ma­tapos naming maipala­bas at “maipit” ang nagma-may ari ng motor na si PO2 Omar Mon­tague.

Motorsiklo ni Montague ang ginamit ng suspek, ni­tong hinayupak at “anak ng baba­ing askal” na si PO1 Michael Moratilla na siyang panguna­hing sus­pek sa panggaga­hasa sa ginang.

Noong Lunes ng gabi, na­saksihan ko, hindi naka­pag­pigil si Col. Aganila ng CIDG-CIDD na magbigay ng isang mabilisang karate chop sa ibaba ng lalamu­nan nitong si Moratilla.

Hindi ito inaasahan ni   Mo­ratilla na halos napa­ha­wak siya sa lalamunan at tila yata nawalan ng hangin at hina­habol na ang pag­hinga dahil nakipagsu­bu­kan ito   kay Col. Aganila.

“Bay, masama ako ma­ga­lit, ‘wag kang makipag­loko­han sa akin dahil pulis din ako tulad mo. Magsabi ka lang ng totoo,” ani ni Col. Aganila.

Gusto ko sanang su­ma­kay at gawin ‘yung tamang pa­raan ng Karate chop tulad ng ginawa ni Col. Aganila suba­lit, nakapag­pigil lang ako da­hil nire­respeto ko ang tang­ga­­pan ni Provincial Director Col. Ireneo Dordas.

Abangan ang karug­ tong….

A DIRECTOR GEN

AGANILA

CAMPO CRAME

GENERAL PALAD

HUMANDA KA

IRENEO DORDAS

PERFECTO PALAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with