^

PSN Opinyon

Ka Erdie Manalo: Dakilang lider

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

AKO, si Presidente Erap, ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ang buong pamilya Estrada ay nakikiramay sa pagpanaw ni Iglesia Ni Cristo Executive Minister Eraño “Ka Erdie” Manalo.

Si Ka Erdy, panglimang anak ni INC founder Felix Y. Ma­nalo at Honorata de Guzman, ay ganap nang pinag­pahinga ng Panginoon sa edad na 84.

Sa pamumuno ni Ka Erdy at kanyang anak na si Deputy Executive Minister Ka Eduardo Manalo, ang INC ay lalo pang lumago.

Ibayo pa nilang isinulong ang vision, misyon at mga adhikain ng INC para sa pagpapalaganap ng mga aral ng Panginoon hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa. Milyon ang miyembro ng INC na binubuo ng 102 nasyunalidad na nasa mahigit 5,400 local congregations sa 90 bansa, at patuloy pang dumarami at luma­lawak. Lalo ring pinatingkad at isinabuhay ng INC ang aral tungkol sa pagmamahal at pagtulong sa kapwa tao laluna sa mga naghihirap.

Si Ka Erdy ay dakilang lider. Ang magaganda at kapuri-puring katangian ni Ka Erdy ay pinatutunayan ng libong tao na pumipila sa Central Temple ng INC sa Commonwealth Avenue, Quezon City upang maki­ ra­may at masi­layan sa huling pagkakataon ang nama­ya­pang lider.

Isang malaking karangalan para sa pamilya Estra-da na naging malapit na kaibigan namin si Ka Erdy at buong INC.

Paalam, Ka Erdy. Mahal ka namin, at hindi ka namin malilimutan.

Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala ito sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin na hindi tinutu­gunan ng tanggapan ang mga solicitation letter. 

CENTRAL TEMPLE

COMMONWEALTH AVENUE

DEPUTY EXECUTIVE MINISTER KA EDUARDO MANALO

FELIX Y

IGLESIA NI CRISTO EXECUTIVE MINISTER ERA

INC

KA ERDY

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

SI KA ERDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with