Mga Filipino-American Cops sa Vallejo City, California
HULING araw na ng BITAG ngayon sa Vallejo City, California U.S.A at naisakatuparan na ng unang grupo ang matagumpay na ride along sa mga police patrol vehicle ng Vallejo Police Department.
Iba-ibang eksena at aktuwal na pangyayari ang aming naido kumento, walang script at pawang mga pangyayaring katotohanan sa mga responde ng Vallejo Police.
Gayundin, naging makabuluhan ang bawat minute at oras na inilagi ng BITAG sa Northern California upang maidokumento at saksihan on action ang mga Filipino-American cops.
Matagumpay na ring naidokumento ang tinatawag na Megan’s Law na mahigpit na ipinatutupad ng Vallejo Police Department laban sa mga tinatawag na sex offenders sa kanilang siyudad.
Bawat nasampahan ng kaso at reklamo na may kinalaman sa paglabag sa Megan’s Law, mapa-lokal man nilang residente, dayuhan man, at anumang lahi, habambuhay nang nasa record ng departamento.
Dahil sa higpit ng kanilang batas, kinakailangang magparehistro mula buwan-buwan hanggang taun-taong proseso ng isang sex offender o tinatawag na registrant upang siguraduhing hindi na gagawa ng kalokohan ang dating inireklamo.
Isang malaking pagkakataon rin ang biyaheng ito ng BITAG na makita ang mga paraan at kagamitan ng Vallejo Police Department sa paglaban sa mga krimen sa lugar.
Maging ang hamon ng mga Vallejo Police sa mga gangs sa kanilang siyudad na naging epektibo upang unti-unting pagkawala ng mga grupo sa Vallejo.
Saksi kami, sa magandang relasyon at mataas na paggalang sa mga pulis ng Vallejo City, California kung saan maraming Filipino-American cops na kabahagi nito.
Nais lamang magpasalamat ng BITAG sa espasyong ito sa mga tumu-long at sumuporta sa anniversary special na ito ng aming programa na mapapanood sa telebisyon sa mga susunod na buwan.
- Latest
- Trending