^

PSN Opinyon

Grabeng sakit ng ulo

WHAT'S UP DOC? - Dr. traquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, madalas pong sumakit ang aking ulo. Noong una ay madali lang itong mawala lalo na kapag uminom ako ng paracetamol. Pero paggrabe nang pag­grabe ang sakit at para akong masusuka. Migraine lang po kaya ito? Magbigay ka po ng mga kaalaman tungkol sa cancer sa utak at ano ang sintomas nito. Maraming salamat. — JEN-NY CRISTOBAL ng P. Florentino St. Sampaloc, Manila

Kailangan kang maeksamin ng doctor para malaman ang madalas na pagsakit ng iyong ulo. Huwag ipagwa­lambahala ang madalas na pananakit.

Ang cancer sa utak ay umaatake sa tatlong maha- halagang bahagi ng utak: Cerebrum, cerebellum at brain stem. Karaniwang sintomas ng cancer sa utak ay ang pananakit ng ulo, deperensiya sa pagsasalita, pagka­bawas ng mga nalalaman, nahihirapang ikilos ang mga paa, kamay, pagkawala ng memorya at pagkabawas ng mental processes.

Kung bata ang nagkaroon ng cancer, sintomas ang pagsusuka, nausea, pagkaduling, pagkabulag at pasuray-suray na paglalakad na madalas ding bumabagsak.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa malaman kung ano ang tunay na dahilan ng cancer na ito.

Kapag ang cancer ay tumama sa mga may-edad na, hindi na ito gumagaling. Karamihan sa mga sumailalim sa treatment ay namatay sa loob ng dalawang taon. Ang mga hindi sumailalim sa treatment ay mas maikli ang buhay. Sa mga batang may cancer sa utak, kapag ang tumor ay naopera, ang prognosis na makaligtas ay malaki.

Ang pamamaraan naman ng paggamot ay depende sa laki at lokasyon ng tumor. Maaaring operahin ang tumor. Isailalim sa radiation theraphy at chemotheraphy.

Ipinapayo ko na kapag madalas na madalas ang pana­nakit ng ulo at may mga lumitaw ng mga sintomas, ang evaluation ng doctor ay lubha nang kailangan. 


CANCER

DR. ELICA

FLORENTINO ST. SAMPALOC

HANGGANG

HUWAG

IPINAPAYO

ISAILALIM

KAILANGAN

KAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with