Pagtulong sa overseas voting
ISANG malaking karangalan para sa akin na makatanggap ng isang sulat galing kay Comelec Chairman Jose Melo na kung saan hiniling niya ang mga Filipino groups at organizations katulad ng OFW Family Club na tumu-long sa pag-promote ng registration para sa Overseas Absentee Voters (OAV).
Ayon kay Chairman Melo, ang registration period para sa OAV ay hanggang August 13 na lamang, ngunit as of July 1, mahigit kumulang sa 120,139 pa lamang sa mga kababayan natin sa abroad ang nag-register. Dagdag pa ni Melo, ang layunin ng Comelec ay mag-register ng one million para sa May 10, 2010 elections.
Dahil sa magandang layunin ni Melo, minabuti ko na ipagbigay-alam sa lahat ng chapters ng OFW Family Club na hikayatin ang mga Pilipino sa kanilang mga lugar na magpunta sa pinakamalapit na Philippine Embassy or Consulate bago dumating ang deadline na August 31, 2009 upang mapasama sila sa registration.
Maliban pa sa OFW Family Club, hinihikayat ko rin ang lahat ng readers ng aking column at lahat ng mga nakikinig sa aking radio program na mag-register at magpakalat din ng kaalaman tungkol sa registration, lalu na tungkol sa deadline na darating.
Napakadali naman ang requirement upang mag-register, kaya napakadali rin na magbigay supporta sa magandang layunin na ito ng Comelec. Para sa mga land based workers, ipakita lamang nila ang kanilang passport. Para naman sa seafarers, ipakita lamang nila ang kanilang seaman’s book.
Sa kanyang liham, sinabi ni Melo dapat daw sabihan ang lahat ng mga Pilipino na ipatupad ang kanilang karapatan na bumoto. Hindi madali na marating ang isang milyon na Pilipino sa abroad kaya dapat nating pagtulungan ito. Hindi rin madali para sa Comelec na gawin ang tungkuling ito, kaya kailangan nila ang ating pagtulong.
Madalas tayong magreklamo na hindi ginagawa ng gobyerno ang kanilang tunkulin. Sa pangunguna ni Melo, masugid ang Comelec sa pagpatupad ng kanilang tungku-lin kaya nasa atin na ngayon na gawin din ang nararapat gawin.
- Latest
- Trending