^

PSN Opinyon

Hindi siya makakalusot

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

TUNGKOL ito sa isang parselang lupa na nakarehistro sa pangalan ng lola ni Connie na si Elena at sa limang kapatid nito sa ilalim ng titulo (OCT) RO-2740. Sa pama­magitan ng isang dokumento ng paghahati-hati at ka­sunduan sa pagsuko ng karapatan, hinati sa dalawang parsela ang lupa. Ang lote bilang 3608-A sa ilalim ng titulo bilang 113266 ay napunta kay Medy samantalang ang lote bilang 3608-B sa ilalim ng titulo bilang 113267 ay nabenta na naman ni Connie.

Lumalabas na peke ang mga pirma sa kasunduan. Si Connie at ang kapatid niyang si Loleng ang may pakana ng lahat. Pati nga ang isang may-ari na patay na ay pina­labas din nila na buhay pa at nakapirma sa dokumento.

Kinasuhan sina Connie, Loleng at Medy sa pagpal­sipika sa mga pampublikong dokumento. Ngunit sina Connie at Loleng lang ang nalitis. Hindi naaresto si Medy.

Noong Nobyembre 20, 2000, pinawalang-sala si Loleng ngunit sinentensiyahan si Connie na makulong ng 4 na taon, 2 buwan at 1 araw hanggang anim na taon. Humingi ng rekonsiderasyon si Connie ngunit dahil naba­kante ang korte at nawalan ng huwes, noong Nobyembre 20, 2002 lamang naresolba ang mosyon.

Ang utos ay natanggap ng abogado ni Connie noong Disyembre 13, 2002. Hindi agad nakapag-apela, naging pinal ang desisyon noong Hunyo 5, 2003. Noong Hunyo 12, 2003, hiningi ni Connie at ng kanyang abogado na ipatigil ang pag-aresto sa kanya at ang pagsasantabi ng desisyon ng korte. Sabi nila, hindi raw nila natanggap ang utos ng korte. Nagsampa rin sila ng apela noong Hunyo 17, 2003.

Noong Hulyo 22, 2003, binasura ng korte ang mosyon at apelang isinumite ni Connie. Noong Agosto 25, 2003, humingi ng rekonsiderasyon si Connie at ipinahiwatig na interesado siyang humingi ng kapatawaran o probation imbes na muling mag-apela. Noong Nobyembre 20,   2003, muling binalewala ng korte ang mosyon. Sinang-ayunan ng Court of Appeals ang korte. Lampas na raw sa takdang panahon ang pag­susumite ng apela kaya’t hindi na maaaring tanggapin ang naturang apela ni Connie pati na ang paghingi niya ng probation. Isa lang daw ang maaaring gamitin ni Connie at hindi niya maaaring gami­ tin   ng sabay ang apela at probation. Tama ba ang korte?

TAMA. Ang layunin ng probation ay upang himukin nga ang akusado na huwag ng umapela sa desisyon ng korte at aminin na lang ang kasalanan para makaiwas pa sa gastos, oras at pagod sa pag-aapela. Ayon sa pro­ba­tion law, makakahingi ng probation sa loob ng pana­hong ibinigay upang maka­pag-apela sa kaso. Ibig sabi­hin, may 15 araw lamang mula sa pagtang­gap ng de­sisyon para ipa­hiwatig ni Connie sa korte na hindi siya aapela sa kaso at hihi­ngi lamang ng probation.

Sa kasong ito, humingi ng probation si Connie, 8 buwan mula nang maging pinal ang desisyon.

Isa pa, dapat na hindi uma­­pela sa desisyon ang aku­sado bago mag-apply ng probation para nga mai­wasan ang espekulasyon at hindi na nag-aksaya ng oras at pera ng gobyerno sa pag-aapela. Sa kasong ito umapela na si Connie kaya’t hindi na siya maka­kahingi ng probation (Sable vs. People, G.R. 177961, April 7, 2009).

CONNIE

KORTE

LOLENG

MEDY

NOONG

NOONG NOBYEMBRE

PROBATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with