^

PSN Opinyon

Presyuhang gobyerno batay sa pagka-ganid

SAPOL - Jarius Bondoc -

SA BENTAHAN ng lupa, dalawa ang kadalasang paraan ng presyohan. Ang appraised value ay batay sa binayarang real estate tax; ang market value ay batay sa umiiral na halaga sa pook.

Sa bentahan ng produkto o serbisyo, dalawa rin ang kadalasang batayan ng presyo. Maaring wholesale o maramihan, o kaya retail o tingi. Siyempre espesyal kaya mas mura ang una, kaysa huli.

Sa ilalim ng administrasyong Arroyo, isa lang ang kalakaran sa presyuhan ng lupa, produkto o serbisyo. Ito ay batay sa pagka-ganid sa kickback ng taga-aproba.

Halimbawa ay ang biniling lupa’t gusali ng isang departamento sa lungsod ng Maynila. Kung tutuusin, hindi kailangan ng ahensiya ang real estate na ‘yun. ‘Yun nga lang, pinagbigyan ng Kalihim ang nagbenta, isang matagal nang political contributor sa kanyang pagka-mayor. At mas mahalaga, asawa ng Kalihim ang nag-ahente ng property. Natural overprice ang presyo: P60 milyon para sa lumang gusaling P16 milyon na lang ang halaga. Malaki ang gina­nansiya ng nagbenta. At malaki rin ang kumisyon ng Kalihim sa pamamagitan ng ahenteng asawa.

Sa paggawa ng kalsada humihingi ang governor o mayor ng “S.O.P.” na 20-25% mula sa kontratista. Pinaparte-parte ito ng pinuno at ng mga kasabwat na   provincial o city engineer, tresurero at auditor. Gayun din sa pagbili ng produkto tulad ng gamot, o serbisyo tulad ng consultancy. Parating may tong-pats, ika nga. ‘Yan ang dahilan kung bakit manipis lang ang aspalto o mahina ang gamot o mabagal magtrabaho ang consultant.

Sa Senado at Kamara, 20-25% rin ang “kalakaran”. Pati mga akala mo’y malilinis na senador dahil sa husay ng PR ay may parte pala. Ang pinaka-matindi sa kickback ay ‘yung senador na wala pang na­isasampang panukala, at bihirang suma-li sa debate. Ang hinihingi niyang parte ay 55% — 50% para sa sarili at 5% para sa chief of staff,.

Mas matindi sa eheku­tibo. Alam na ng lahat na sa ZTE scam ay mas malaki ang kickback kaysa totoong proyekto: $200 milyon sa $329 milyon.

vuukle comment

ALAM

GAYUN

HALIMBAWA

KALIHIM

KAMARA

MALAKI

MAYNILA

PARATING

SA SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with