Ano ang gusto ng katawan mo?
ALAM n’yo ba na may tamang pangangalaga sa bawat parte ng ating katawan? Heto ang mga payo na makabubuti at makasasama sa inyo. Umpisahan na natin ang pag-aalaga.
1. Utak (brain)
Mabuti: Mag-aral at magbasa lagi. Sumagot ng crossword, sudoku at iba pa.
Masama: Pag-inom ng alak. Pagkalungkot. Paglalaro ng boksing.
2. Mata (eyes)
Mabuti: Ipikit at ipahinga ang mata pagkatapos magbasa o mag-computer. Gumamit ng salamin.
Masama: Masilaw sa sobrang liwanag ng ilaw. Tumitig sa araw. Mapuwing ng maruming bagay. Magbasa ng matagal.
3. Tainga (ears)
Mabuti: Mahihinang tunog lang.
Masama: Maingay na lugar tulad ng airport, concert at kantahan. Malakas na tunog ng earphones. Pagkasundot ng tainga.
4. Ngipin (teeth)
Mabuti: Magsipilyo araw-araw. Gumamit ng dental floss. Gumamit ng tongue cleaner.
Masama: Hindi pagsisipilyo. Matitigas na pagkain. Paninigarilyo. Pag-inom ng may kulay na soft drinks dahil maninilaw ang ngipin.
5. Puso (heart)
Mabuti: Pagkain ng isda at gulay. Pag-eehersisyo. Masiyahin na pananaw sa buhay.
Masama: Matataba at maaalat na pagkain. Laging nagagalit. Altapresyon, diabetes at mataas na cholesterol.
6. Baga (lungs)
Mabuti: Preskong hangin. Pagtira sa probinsya. Paghinga ng malalim.
Masama: Paninigarilyo. Paglanghap ng usok ng mga sasakyan at polusyon.
7. Bato (kidney)
Mabuti: Pag-inom ng 8 hanggang 12 basong tubig.
Masama: Pagpipigil ng ihi. Pagkain ng maaalat.
8. Atay (liver)
Mabuti: Magpabakuna sa Hepatitis B. Pagkaing masustansya.
Masama: Pagkain ng matataba at marurumi. Pag-inom ng alak. Pag-inom ng maraming gamot.
9. Bituka, tiyan (bowels)
Mabuti: High-fiber na pagkain tulad ng gulay, wheat bread, mansanas, pakwan at saging. Pag-inom nang maraming tubig.
Masama: Pagkain ng taba ng karneng baboy at baka. Nagpapakagutom.
10. Balat (skin)
Mabuti: Pag-inom nang maraming tubig. Maligo araw-araw. Pagkain ng prutas.
Masama: Pagpapaaraw. Paninigarilyo. Laging nakasimangot. Pagpupuyat.
11. Alagaan ang buong katawan. Kumain ng masustansya at mag-ehersisyo. Alamin at panatilihin ang inyong tamang timbang.
Good luck po!
- Latest
- Trending